TNT boys masaya kahit di pumasok

March 09, 2019
TNT Boys

HINDI man nakapasok ang Philippine young trio na TNT Boys na binubuo nina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto at Francis Concepcion sa final round ng global talent competition na “The World’s Best” hosted by James Corden, hindi dito nagtatapos ang international career ng tatlo na pare-parehong produkto ng “Tawag ng Tanghalan” segment ng noontime show na “It’s Showtime”.

Nanghinayang man ang tatlong American main judges na sina Drew Barrymore, RuPaul at Faith Hill na nagbigay sa TNT Boys ng mataas na score, hindi naman nakuha lahat ng tatlo ang bumubuo ng 50 “Wall of the World” judges na kinabibilangan ng Concert Queen from the Philippines na si Pops Fernandez.  Isa si Pops sa sobrang nanghinayang na hindi nakapasok sa finals ang kinatawan ng Pilipinas, ang TNT Boys not because they were not as good during the two rounds kundi nahati-hati ang boto ng ibang judges na nagmula sa iba’t ibang bansa.

Ganunpaman, hinding-hindi makakalimutan ng TNT Boys ang kanilang naging experience with “The World’s Best” kung saan naging paborito sila nina Drew, RuPaul at Fait maging ng host na si James Corden who guested the trio sa kanyang “The Late Late Show with James Corden” on CBS TV.

Kahit tatlong beses lamang sila napanood sa “The World’s Best,” umani ang TNT Boys ng following sa American audience at paghanga mula sa tatlong American judges, sa host at maging sa ibang bumubuo ng 50 “Wall of the World’ judges including our very own Pops Fernandez.

Moving on, ang TNT Boys ay regular mainstay na rin ng “ASAP Natin `To” .  They will also be very busy sa kanilang world tour at sa recording ng kanilang bagong album at malamang na magkaroon sila ng panibagong major concert bilang follow-up sa kanilang sold-out first major concert sa Big Dome (Araneta Coliseum) na ginanap last November 30, 2018, ang “TNT Boys: Listen, The Big Shot Concert.”