Toni alam na ang hirap bilang producer

December 27, 2018
Toni Gonzaga

ALTHOUGH it took them nine years para sa kanilang reunion movie, ang MMFF movie na “Mary, Marry Me,” inamin nina Toni Gonzaga at Sam Milby na na-excite sila sa kanilang balik-tambalan dahil bukod sa kanilang dalawa ay naging co-star din nila ang nakababatang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga.

Masuwerte si Sam dahil siya ang naging love interest sa movie ng magkapatid na Toni at Alex.

Speaking of Toni, she’s glad na binigyan siya ng laya ng kayang director producer husband nasi Paul Soriano na sumubok din sa pagpu-produce sa pamamagitan ng kanyang TinCan Productions.

Except for the look-test at isa o dalawang beses na pagbisita sa set, never nakialam si Paul sa mga desisyon ni Toni sa produksyon.  Pumapasok lamang siya kapag tinatanong o kinunsulta.  Dito lubos na naunawaan ni Toni na hindi pala madali ang mag-produce ng pelikula.

Samantala, natutuwa naman si Toni na nagustuhan ng mga nakapanood na ng movie nila nina Sam at Alex na dinirek ng first time film director na si RC de los Reyes.