Tony Mabesa namaalam na rin

October 05, 2019
Tony Mabesa
Tony Mabesa

DALAWANG theater and movie icons ang magkasunod na namaalam, ang veteran theater actor-director-turned TV and movie actor na si Antonio ‘Tony’ Mabesa at ang movie queen na si Amalia Fuentes (Amalia Amador Muhlach in real life) nung October 4 and 5, respectively.

Si Tony ay binawian ng buhay nung nakaraang Biyernes, October 4 ng 10:15 p.m. habang si Amalia naman kinabukasan, Saturday ng umaga due to multiple organs failure.  Tony was 84 at 79 naman si Amalia.

Mahigit tatlong buwan lamang ang pagitan ng pagpanaw nina Tony at ang movie and TV icon na si Eddie Garcia na sumakabilang-buhay nung nakaraang June 20 matapos ng dalawang linggo ng pagiging comatose sanhi ng aksidenteng nangyari sa kanya sa set ng ginagawa nitong action-drama TV series sa bakuran ng GMA.

Sina Eddie at Tony ay huling nagkasama sa award-winning 2019 Metro Manila Film Festival movie, ang “Rainbow’s Sunset” na pinamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan and produced under Harlene Bautista’s Heaven’s Best Entertainment Productions.  Si Tony ang nanalong Best Supporting Actor sa MMFF awards night na ginanap nung December 27, 2019.

Ang “Rainbow’s Sunset” ay nagsilbing last movie ni Tony pero nakuha pa nitong dumalo sa kaarawan ni Direk Joel last September 21.  Isa si Direk Joel sa closest friends ni Tony at madalas makitang magkasama ang dalawa sa mga okasyon.

Si Tony ay tubong Los Baños, Laguna.  He directed his first production sa UP Rural High School.  Siya’y nag-aral ng Agriculure sa U.P. Los Baños, Laguna.  He took up his master’s degree in Theater Arts sa University of California in Los Angeles, California at master’s degree in Education sa University of Delaware in Delaware, USA.

Si Tony ang nagtatag ng Dulaang UP at UP Playwrights Theater ng University of the Philippines.  Directed and mentored quite a number of successful and seasoned  stage actors-turned TV and movie actors tulad nina Nonie Buencamino, Sharmaine Centenera, Eugene Domingo, Neil Ryan Sese at maraming iba pa.