Tony nakaka-disappoint ang inasal sa Ninoy Aquino International Airport

January 04, 2019
Tony Labrusca
Tony Labrusca

MARAMI ang na-disappoint sa inasal ng Kapamilya actor na si Tony Labrusca (23) sa harap ng mga immigration officials sa NAIA 1 nung nakaraang Huwebes, January 3 matapos siyang bigyan ng 30 days para manatili sa bansa dahil blue passport or US passport ang kanyang dala-dala.

Si Tony (23) ay ipinanganak sa Houston, Texas to his estranged Filipino parents na sina Boom Labrusca at Angel Jones making him an American citizen.  Lumabas tuloy  ang totoo na wala siyang working permit to work in the Philippines kahit mga Filipino ang kanyang magulang.

Kung may kasama si Tony na isang Filipino parent sa kanyang biyahe ay wala sanang problema.  Dapat din sana ay nag-apply siya ng dual citizenship para may hawak din siyang Filipino passport.  But since US passport ang kanyang dala-dala, he will be given the same treatment as the rest as turista.

Inaasahan umano ni Tony na mabibigyan siya ng one-year balikbayan visa at automatic ang kanyang pananatili sa Pilipinas dahil parehong Filipino ang kanyang mga magulang.

Samantala, the TV networks should require their US passport and other nationalities  holder talents na kumuha ng kaukulang dokumento tulad ng dual citizenship passport o kung hindi man ay working visa in the absence of a Filipino passport para hindi sila nagkaka-problema sa kanilang pagpasok ng Pilipinas.

Pero ang ignorance of the law ni Tony ay hindi sapat na dahilan ng kanyang ginawang paninigaw at pagmumura sa immigration officials at paggawa ng iskandalo sa NAIA.  Kung may pagkakamali o pagkukulang man sa kanyang parte, dapat sana’y naging mahinahon ang kanyang pakikipag-usap dahil ginagawa lamang ng mga taga-immigration ang kanilang tungkulin.

Tuloy, hindi lamang ang mga taga-immigration sa NAIA ang nadismaya sa kanyang inasal kundi maging ang mga taong naroon at nakasaksi sa mga pangyayari.