Tsismis na hiwalayang JoshLia, may third party?

June 05, 2019
Julia Barreto and Joshua Garcia
Julia Barreto and Joshua Garcia

HANGGANG ngayon ay wala pa ring direktang pag-amin mula kina Julia Barretto at Joshua Garcia tungkol sa napapabalitang break-up nila.

Mahigit dalawang taon na ang relasyon nina Julia (22) at Joshua (21) at kinu-consider ang kanilang tandem o loveteam (JoshLia) sa isa sa mga pinaka-popular these days.

Tiyak na malulungkot ang mga JoshLia fans kung totoo nga ang balita although may movie pa silang tinatapos ngayon, ang zombie film na “Block Z” na pinamamahalaan ni Mikhail Red under Star Cinema. Tampok din sa nasabing pelikula sina Ian Veneracion, Dimples Romana, Ina Raymundo, Maris Racal, McCoy de Leon, Yves Flores at iba pa.  

Tiyak na magsasalita pareho sina Julia at Joshua na may kinalaman sa kanilang break-up (kung ito’y totoo) pagharap nila sa presscon at promo ng kanilang upcoming movie together.

Samantala, gaano kaya katotoo ang balita na nagri-reach out umano ang ama ni Julia, ang actor-comedian na si Dennis Padilla kay Joshua pero hindi umano ito sinasagot ng young actor?

Kung matatandaan pa, pinagsabihan  noon ni Dennis si Joshua nang ito’y ipakilala sa kanya ng anak  na huwag sasaktan si Julia at nangako naman si Joshua.

Dati nang nagkaroon ng lamat ang relasyon nina Julia at Joshua nang dahil sa ibang babae pero agad naayos ang problema ng dalawa.

Third party kaya ang dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nina Julia at Joshua?