Tuloy ang kuwento nina Sam at Isa

May 08, 2019

NAGKAROON ng successful premiere night sa Cine Adarna ng University of the Philippines last Monday (May 6) night ang  romance film na “Tayo sa Huling Buwan ng Taon” na tinatampukan nina Nicco Manalo sa papel na Sam, Vera bilang si Isa, Anna Luna as Anna at Alex Medina bilang si Frank.  Ang nasabing pelikula ay follow-up movie ng director na si Nestor Abrogena sa pelikulang “Ang Kwento Nating Dalawa” na ipinalabas nung 2016 and produced ng TBA Studios, the film company behind the critically-acclaimed movies tulad ng “Heneral Luna,” “Goyo: Ang Batang Heneral,” “I’m Drunk, I Love You,” “Birdshot,” “Iisa,” “Women of the Weeping River,” “Patintero,” “Matangtubig” at marami pang iba.

Ang “Tayo sa Huling Buwan ng Taon” ay kuwento ng dating magkasintahang sina  Sam (Nicco) at Isa (Vera) na pagkatapos ng limang taon ay muling nag-krus ang landas sa kabila na meron na rin silang respective new partners.  Pero kanilang na-realize na may hindi sila natapos sa kanilang dating relasyon at naroon pa rin ang katanungan kung ano ang nangyari sa kanila at sa kanilang relasyon kaya ito’y nakaapekto sa magandang relasyon nila sa kanilang present partners na sina Anna (Anna Luna) at Frank (Alex Medina).

Kung paano magtatapos ang pelikula ay kailangan itong panoorin ng buo. Ang "Tayo sa Huling Buwan ng Taon" ay palabas na ngayon sa mga sinehan.