Tuloy ang live shows kahit nasa bahay ang mga artista

March 31, 2020

SA tulong ng makabagong technology na Zoom app platform na madalas ginagamit sa video and audio conferences sa mga kumpanya, malaki ang naitulong nito para maging posible ang isinasagawang iba’t ibang programa sa telebisyon ngayon. At kasama na rito ang naging matagumpay na digital fundraising concert ng ABS-CBN last March 20 na pinamagatang “Pantawid ng Pag-ibig” kung saan mahigit 100 stars and talents ng Kapamilya Network ang nagtanghal at nagsalita mula sa kani-kanilang mga bahay.

Sa tulong din ng Zoom app, nagiging posible rin na ipagpatuloy ang kanilang live shows tuld ng “It’s Showtime,” “ASAP Natin `To” at ang “Magandang Buhay” at the comfort of the stars' homes.