Home>Entertainment>Showbiz>Tunay na ama ni John lumantad

Tunay na ama ni John lumantad

John Regala

ALL these years ang buong akala namin na siya ring alam ng marami na matagal nang wala (o patay) na ang biological father ni John Regala, ang dating actor na si Mel Francisco (Adolfo Padilla Scheerer, Jr. in real life). Pero ang totoo ay buhay na buhay ito at nanahimik lamang sa claim noon ni John na matagal na itong `patay’.

Sa exclusive interview ni Rachelle Siazon ng PEP, lumantad si Mel para ilahad ang kanyang side to the story which people don’t know about. Ayon sa panayam ni Rachelle kay Mel ay hindi umano niya alam na nagkaroon siya ng anak sa ina ni John, ang dati ring actress na si Ruby Regala na sumakabilang-buhay nung nakaraang January 11, 2020 sa Amerika dahil sa brain tumor.

Ayon sa salaysay ni Mel, ilang buwan din umano silang nagkaroon ng relasyon ni Ruby na nakatrabaho niya nung 1966 sa pelikulang “Jolo Assignment”. Pero wala umano siyang alam na nabuntis at nagkaroon sila ng anak ni Ruby dahil hindi naman daw ito ipinaalam sa kanya. Nalaman na lamang umano niya na siya ang itinuturong ama ni John nang pumasok ang huli sa showbiz.

Nang pumasok sa showbiz si John nung mid-80’s at naging bahagi ng youth-oriented program na “That’s Entertainment” ng yumaong star builder at master showman na si German `Kuya Germs’ Moreno, doon lamang nalaman ng publiko na si Mel umano ang tunay na ama nito na nagpabaya sa kanila ng kanyang ina. Dahil sa nakakaawang kuwento ng buhay ni John, nakuha nito ang simpatiya ng publiko at si Mel ang nagmukhang kontrabida sa kuwento.

Dahil sa matinding kontrobersiya noon sa pagitan nina Mel at John, ang dalawa ay pinagtagpo sa dating showbiz talk show ng yumaong Queen of Intrigues na si Inday Babiday (Lourdes Jimenez-Carvajal), ang “Eye to Eye” on GMA kung saan inamin ni Mel na anak nga niya si John, pero ito’y labag umano sa kanyang kalooban. At that time ay wala umano siyang choice dahil sa mata ng publiko ay siya ang lumalabas na masama dahil sa kanyang pagpapabaya diumano bilang ama ni John.

Mel Francisco
Mel Francisco

Ayon kay Mel, hindi umano siya nakakaramdam ng `lukso ng dugo’ kapag nagkikita sila ni John unlike his other children (sa iba’t ibang ina).

Si Mel ay pinsan ng magkapatid na Robin at Rommel Padilla at iba pang bahagi ng Padilla clan sa showbiz.

There was a time na tumulong ang magkapatid na Robin at Rommel sa kampanya ni Richard Padilla, anak ni Mel na tumakbo sa pagka-konsehal ng Paranaque. Dumating din daw noon si John.

Si Mel ay 27 taong nagtrabaho sa Amerika bilang sales manager ng isang car company. Pero nang mag-retire ay bumalik ito ng Pilipinas at nakatira ito ngayon sa Laguna.

Alam umano ni Mel ang nangyayari kay John at ayon sa kanya, napaka-inconsistent umano ng mga sinasabi nito (John) sa publiko.

Ngayong lumantad na si Mel after so many years of being quiet, tiyak na hindi rito magtatapos ang isyu sa pagitan nila ni John.

Kasal ni Kris at fiance matuloy pa kaya?

Kris Bernal and Perry Choi
Kris Bernal and fiance Perry Choi

MALAYO pa ang May 2021 para sa planong pagpapakasal ng engaged couple na sina Kris Bernal at non-showbiz nitong fiancé, ang businessman na si Perry Choi.

It was last February 6, 2020 nang ma-engaged sina Kris at Perry after three years ng kanilang relasyon bilang magkasintahan at pinili ng dalawa ang buwan ng Mayo 2021 sa petsa ng kanilang kasal na malamang itaon sa kaarawan mismo ni Kris on May 17.

Pero malamang na hindi na naman ito matuloy dahil humintomuna ang engaged couple sa pagpa-plano dahil sa pandemya na wala pang kasiguraduhan ang lahat. Pati ang plano nilang pagpapatayo ng bahay ay nahinto rin pansamantala. Gusto kasi ng couple na may bahay na silang malilipatan after their wedding.

Sa panahon ngayon, bawal pa ang mass gathering kaya ang plano nilang church wedding hanggang sa reception ay malabo pang mangyari. Kaya wait muna ang engaged couple para sa kanilang pinaplanong church wedding. Pero kung gugustuhin nila, puwede muna nilang unahin ang civil wedding at saka na ang church wedding.

Publication Source :    People's Tonight
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger