Home>Entertainment>Showbiz>TV5 wala pa ring ingay?

TV5 wala pa ring ingay?

BALIK-sigla ang TV5 pagdating sa entertainment programming nito.

Kaliwa’t kanan na ang ipinapalabas na programa. Karamihan nito ay produced ng ilang mga blocktimer producer. Timing ito dahil nag-shutdown na ang ABS-CBN dahil sa non-renewal ng franchise nito. And the network should be in good hands with Perci Intalan at the helm of its programming.

Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ito umiingay gaya ng inaasahan. Kahit isa-isa nang naglilipatan ang ilang Kapamilya stars sa Kapatid network. Sa totoo lang, mahirap i-break ang viewing habit ng mga Pinoy lalo na’t nakasanayan nila ang ABS-CBN pagdating sa entertainment programs.

Ngayon, kalat na ang balitang magkakaroon na rin ng show sina Piolo Pascual, Billy Crawford, Cathriona Gray, Ian Veneracion at iba pang sikat na Kapamilya stars sa Kapatid network. Dahil naka-secure na umano ang Brighlight Productions ng blocktime slots. At mismong si Johnny Manahan ang magiging direktor ng variety show nina Piolo at Cathriona.

Will ABS-CBN-TV5 partnership give GMA Network a run for its ratings and money? Just asking…


Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

Publication Source :    People's Tonight