US producer ni Gary V, nakabawi na

May 01, 2019
Rey and Amor Yu, Gary V, Katrina Velarde and Jona Viray.
Rey and Amor Yu with Gary V, Katrina Velarde and Jona Viray.

IN our recent trip to Los Angeles, California ay personal naming nakilala ang concert producer na si Amor Yu ng Amor Yu Productions na siyang nag-produce ng almost sold-out recent concert ni Gary Valenciano sa Saban Theatre in Beverly Hills, California last April 21 bilang part ng US concert tour ni Gary V. in the US organized by Starmedia headed by Ana Puno.  After the successful Gary V. concert in L.A. ay isusunod naman niya ang concert ni Arnel Pineda (ng Journey) on August 3, 2019 na gaganapin din sa Saban Theatre kung saan nag-concert si Gary V.

An accountant by profession, hindi ikinakaila ni Amor na napaka-hirap  din ang maging concert producer sa Amerika pero dahil naging passion na niya ang pagpu-produce ay patuloy niya itong ginagawa.

She admitted to us na gumastos siya ng $110K sa recent concert ni Gary V. but is glad na ito’y nabawi niya.

A night before the April 21 concert ni Gary V. ay worried na si Amor dahil marami pang tickets ang natitira but thankfully, marami ang walk-ins on the day of the show.  

Ang recent US concert tour ni Gary V. na “He’s Back: Gary V. on US Tour” was `Mr. Pure Energy’s’ first after he underwent two major operations last year – isang open heart surgery in May and another operation in June na may kinalaman naman sa kanyang cancer sa kidney which were both successful.

Samantala, sobra naming pinanghinayangan na hindi namin napanood at nasaksihan  ang successful concert ni Gary V. last April 21 sa Saban Theatre because of other commitment.  Pero natuwa naman kami para sa producer na si Amor Yu and her husband na si Rey Yu dahil sa magandang turn out ng show kung saan special guests sina Jona at ang tinaguriang `Suklay Diva’ na si Katrina Velarde.