Valentine trip sa Iceland with bf memorable for Kris

February 15, 2019

ISA ang Kapuso star at entrepreneur na si Kris Bernal sa maituturing na marunong maghandle ng kanyang finances dahil bukod sa nakapag-invest ito sa isang Korean restaurant, nakabili na rin siya ng bahay sa West Covina in California, USA nung isang taon.

Kung maganda ang takbo ng showbiz career ni Kris, maganda rin ang estado ng kanyang puso dahil sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Perry Choi.

Hindi rin ikinakaila ni Kris na pinaka-memorable umano sa kanya ang kanilang Valentine trip ng kanyang boyfriend to Iceland nung isang taon kung saan sila namalagi sa loob ng dalawang linggo.

Ang Fil-Chinese boyfriend ni Kris na si Choi ay isang chef-entrepreneur at business partner niya sa itinayong Korean restaurant in June last year.  Isinara na rin ni Kris ang kanyang MeatKRIS burger store to focus on the Korean restaurant.

Kamakailan lamang ay ni-launch ni Kris ang kanyang sariling brand ng lipstick, ang SHE Cosmetics.