Very intimate baptism ni Baby Archie nasilip

July 08, 2019
Prince Harry & Meghan Markle
Prince Harry and Meghan Markle, Duke and Duchess of Sussex, with baby Archie Harrison Mountbatten-Windsor.

KUNG buhay pa sana hanggang ngayon si Princess Diana, Princess of Wales, she could have been 58 on her birthday last July 1 at isa siguro siya sa pinakamasaya sa binyag ng kanyang ika-apat na apo at una sa bunso niyang anak na si Prince Harry, Duke of Sussex.

Si Princess Diana at ang kanyang estranged husband na si Prince Charles, Prince of Wales at susunod sa trono ng kanyang mother na si Queen Elizabeth II ay may dalawang anak, sina Prince William at Prince Harry, 3rd and 6th in line sa trono.

Ang first baby nina Prince Harry at Meghan Markle, Duke and Duchess of Sussex na si Baby Archie Harrison Mountbatten-Windsor ay bininyagan last Saturday, July 6 sa isang very intimate ceremony na ginanap sa isang pribadong chapel sa loob ng Windsor Castle, hindi ang St. George’s Chapel kung saan bininyagan at ikinasal si Prince Harry.

Si Baby Archie ay two months old sa kanyang binyag last Saturday, July 6 na dinaluhan ng kanyang grandfather na si Prince Charles at wife nito ngayon na si Camilla Bowles, Duchess of Cornwall, sina Prince William at Kate Middleton, Duke and Duchess of Cambridge, ang American mom ni Meghan na si Doria Ragland who flew all the way from Los Angeles, California kung saan ito naka-base, ang mga kapatid na babae ni Princess Diana at tiyahin nina Prince William at Prince Harry na sina Jane Fellowes, Baroness Fellowes at Lady Sarah McCorquodale at ilan pang bisita na siyang tumayong godparents ni Baby Archie.

Sa kabila ng pagiging pribado ng binyag ni Baby Archie Harrison ay naglabas ang royal family ng ilan sa kanilang official photos na kuha sa binyag.

Hindi nakadalo sa binyag ni Baby Archie ang kanyang great grand parents na sina Queen Elizabeth II at Prince Philip, Duke of Edinburgh due to prior commitments.  Hindi rin nakadalo ang dalawa sa binyag ng isa pa nilang great grandson na si Prince Louis, ikatlo at bunsong anak nina Prince William at Kate na pinsan ni Baby Archie.

Tulad ng kanyang mga pinsan na sina Prince George, Princess Charlotte at Prince Louis, ginamit din ni Baby Archie ang replica  ng Honiton gown na ipinasadya noong 1841 ni Queen Victoria para sa binyag ng kanyang anak na si Princess Victoria na ginamit ng 62 other royal babies sa loob ng 163 years.  Pero nung 2004, nagpagawa si Queen Elizabeth II ng panibagong replica ng Honiton gown dahil masyado nang fragile ang original gown na ipinagawa ni Queen Victoria.