Vic ’di pa rin makapaniwala na may anak na siyang mayor

May 18, 2019
Vico Sotto and Vic Sotto
Vico Sotto and Vic Sotto

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang singer-composer-turned comedian-TV host-producer na si Vic Sotto na may anak na siyang mayor (ng Pasig), ang kanyang 29-year-old son sa veteran actress na si Coney Reyes na si Vico Sotto.

Ang pagkakapanalo ni Vico sa mayoralty race in Pasig thereby ending the political dynasty ng mga Eusebio came as an early birthday gift to him as he will be celebrating his 30th birthday on June 17.

Although hindi nakikialam si Bossing (Vic) sa lovelife ng mga anak, umaasa siya na sana’y magkaroon na ng First Lady ang kanyang ikatlo sa kanyang limang anak.  Mas ini-enjoy kasi ngayon ni Vico ang kanyang pagiging single.

Samantala, kung natalo ni Vico ang longtime mayor ng Pasig, ang outgoing mayor na si Mayor Bobby Eusebio, hindi rin pinalad sa Kongreso ang kapatid nitong si Ricky Eusebio dahil si Roman Romulo ang nanalo.  Si Roman ay anak ng dating Secretary of Foreign Affairs na si Alberto Romulo at nakatatandang kapatid ng current Secretary of Tourism na si Berna Romulo-Puyat. Si Roman ay mister ni Shalani Soledad na minsan ding na-link kay dating Pangulong Noynoy Aquino.