Home>Entertainment>Showbiz>Vic may bagong apo, anak niregaluhan ng mamahaling kotse

Vic may bagong apo, anak niregaluhan ng mamahaling kotse

Paulina Sotto and Vic Sotto
Paulina Sotto and Vic Sotto

NADAGDAGAN ang apo ng veteran TV host, actor-comedian na si Vic Sotto.

Nagsilang ng baby girl ang anak niyang si Paulina Sotto (kay Angela Luz) last Monday, September 7. Ang bagong silang na baby ay first born nila ng kanyang husband na si Jed Llanes. Ang couple ay ikinasal nung nakaraang January 1, 2017 habang nung nakaraang March 10, 2020 naman in-announce ng mag-asawa ang pregnancy ni Paulina.

Ang bagong silang na baby ng mag-asawang Pauline at Jed na pinangalanang Sachi Brielle ay unang apo ni Angela at pampitong apo naman ni Vic. Bago si Baby Sachi ay may anim na apo na ang veteran TV host ng “Eat Bulaga,” dalawa sa kanyang panganay na anak (kay Dina Bonnevie) na si Danica Sotto-Pingris sa mister nitong si Marc Pingris na sina Jean Michael at Anielle Micaela habang apat naman ang kanyang apo sa kanyang second child (with Dina) na si Oyo Sotto at wife nitong si Kristine Hermosa, sina Kristian Daniel, Ondrea Bliss, Kaleb at Valentin.

Except for his youngest daughter (with Pauleen Luna) na si Talitha na two years old pa lamang, tanging ang anak niyang si Pasig Mayor Vico Sotto (sa veteran actress na si Coney Reyes) ang wala pang sariling pamilya.

Paulina graduated cum laude ng Communications course sa Ateneo de Manila University nung 2015, at siya’y niregaluhan ng kanyang dad (Vic) ng isang brand new Audi Q3 that year.

Paulina is also an award-winning golf player.

Bugoy hindi nagsisising maging teenage dad

Ej Laure, Bugoy Carino and daughter Scarlet
Ej Laure, Bugoy Carino and daughter Scarlet

FIFTEEN years old going 16 lamang noon ang dating childstar-turned dancer at isa sa mga miyembro ng all-male dance group na Hashtags si Bugoy Carino (Rogel Kyle Carino) nang ito’y ma-in love sa volleyball star na si EJ Laure who was five years older sa kanya. Twenty years old naman si EJ nang siya’y mabuntis ni Bugoy kaya two years old na ngayon ang kanilang daughter na Scarlet na isinilang in 2018.

Kung matatandaan pa, na-suspend si Bugoy sa Hashtags along with another member ng grupo na si Jon Lucas nang mabalitaan na parehong naka-buntis ang dalawa sa kanilang respective girlfriends. Ang kaibahan lamang nina Jon at Bugoy, mas older si Jon kay Bugoy at pinakasalanan niya ang ina ng kanyang anak, ang dancer ng “It’s Showtime” na si Shy Feras. Ang couple ay may three-year-old son na si Brycen.

Although dinenay noon ni Bugoy na buntis ang kanyang girlfriend, inamin niya ang pagkakaroon niya ng anak kay EJ nung 18th birthday niya last September 3 kung saan niya kasama sa isang picture si EJ at ang kanilang two-year-old daughter na si Scarlet.

Kahit naging teen-age father si Bugoy, wala umano siyang pinagsisisihan dahil bukod sa mahal na mahal niya ang kanyang kasintahang si EJ, meron na rin umanong bunga ang kanilang pagmamahalan, ang daughter nilang si Scarlet.

Harlene at Freddie sana raw ay panghabambuhay na ang relasyon

Harlene Bautista
Harlene Bautista and Federico “Freddie” Moreno

TWENTY-three years old na ang panganay na anak ng actress-producer na si Harlene Bautista na si Abijah sa director na si Rico Gutierrez na nali-link naman ngayon sa actress na si Alessandra de Rossi. Apat naman ang anak ng dating child actress (Harlene) sa kanyang ex-husband of nineteen years, ang dati rin child actor na si Romnick Sarmenta, sina Zeke (20) Bo (14), Nirel (11) at Uela (2). Si Zeke ay kasalukuyang nag-aaral ng Arts and Design course sa Australia habang nasa Grades 9, 5 and 2 naman respectively ang natitirang tatlo.

Ayon kay Harlene, mutual umano ang naging paghihiwalay nila ng kanyang ex-husband na si Romnick Sarmenta at nanatili umano silang magkaibigan ng dati niyang mister dahil na rin sa kanilang apat na anak na regular na sinusundo ng actor except for Zeke na nasa Australia ngayon.

After her break-up with Romnick, she had a brief relationship with Neil Eugenio, dating member din noon ng “That’s Entertainment” turned businessman pero ito’y tumagal lamang ng mahigit isang taon. Early this year ay nagkahiwalay din sina Harlene at Neil.

Ayon kay Harlene, hindi umano niya inisip na pagkatapos nilang magkahiwalay ni Neil ay mabilis siyang mai-in love sa iba dahil timing naman daw ang pagdating ni Federico `Freddie’ Moreno sa kanyang buhay na kung tutuusin ay matagal na rin niyang kakilala dahil barkada ito ng kanyang Kuya Hero (Bautista).

Si Freddie ay unico hijo ng namayapang star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno.

Ang (dating) actor na si Michael Locsin ang ka-loveteam dati ni Harlene sa “That’s Entertainment” at sa ibang pelikula, pero hindi sila ang nagkatuluyan habang si Sheryl Cruz naman ang ka-loveteam ni Romnick. But by twist of fate ay sina Romnick at Harlene ang naging mag-asawa.

Since bago pa lamang ang relasyon nina Harlene at Freddie, umaasa ang dalawa na sana’y panghabang-buhay na ito.

Sue masuwerte kay Javi

Sue Ramirez and Javi Benitez
Sue Ramirez and Javi Benitez

IN love sa isa’t isa ngayon sina Sue Ramirez at Javi Benitez na nagsimulang maging open sa kanilang relasyon last June.

Ex-boyfriend ni Sue si Joao Constancia ng BoybandPH-turned actor.

Kung si Javi ang makakatuluyan ni Sue in the future ay napaka-suwerte umano niya dahil si Javi ay anak ng bilyonaryong businessman at dating kongresista na si Albee Benitez ng Negros Occidental.

Sina Sue at Javi ay mga bida sa pelikulang “Alpha Kid One”. Napapanood din ang actress sa tumatakbong primetime TV series sa Kapamilya Channel, ang “A Soldier’s Heart” na malapit na ring magtapos.

Publication Source :    People's Tonight
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)