Vic at Pauleen may ‘nakagugulat’ na nakaraan

February 05, 2019
Vic Sotto & Pauleen Luna

LAST January 30 ay nag-celebrate ang mag-asawang Vic `Bossing’ Sotto at Pauleen Luna ng kanilang third wedding anniversary at naging mas meaningful umano ito dahil meron na silang supling, ang more than one-year-old na si Baby Tali (Talitha Maria) na isinilang nung Novemer 6, 2017.

Ang mag-asawang Bossing at Pauleen ay ikinasal nung January 30, 2016 sa St. James, the Great Parish Church in Alabang.

Ang ironic dito, Pauleen was seven years old nang siya’y sumali sa “Little Miss Philippines” contest, isang segment ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” kung saan isa si Bossing (Vic) sa mga poste ng programa.

Katunayan, si Bossing pa ang nag-interview kay Pauleen sa nasabing segment not knowing na 20 years later ay magiging mister ni Pauleen si Bossing.

Vic is 64 (turning 65 on April 28) habang si Pauleen naman ay 30 years old ngayon.