Vice Ganda at Boy, nabigo kay Kim

December 10, 2018
Kim Chiu & Xian Lim

HINDI lamang ang Unkabogable Superstar na si Vice Ganda kundi ang  King of Talk din na si Boy Abunda ang nabigo  na sagutin ni Kim Chiu ang tanong tungkol sa boyfriend niyang si Xian Lim.

Kahit simple pa ang tanong, allergic talaga ang dating PBB ex-housemate na mag-expound. Napahalakhak na lang tuloy sina Vice at Boy.

Actually, naguluhan din ang madlang pipol nang sabihin ni Kim na hindi si Xian ang “One Great Love”  niya na siya ring titulo ng pelikula niyang entry sa Metro Manila Film Festival kung saan leading men niya sina Dennis Trillo at JC de Vera directed by Eric Quizon under Regal Entertainment.

Inayos naman ni Kim ang paliwanag niya nang magkaroon sila ng pagkakataon ni Xian na mag-travel papuntang Tagaytay nang silang dalawa lang tulad ng pagbiyahe nila papuntang Japan na walang kasamang chaperone or kamag-anak.

She even shared some pictures nila ni Xian na ini-enjoy ang iba’t ibang magagandang sight sa naturang lugar.