Vice Ganda spoiled brat?

June 20, 2019
Thumbnail
Vice Ganda

SPOILED brat ang tawag ng iba kay Vice Ganda dahil ito lamang ang nakagagawa at nakapagsasalita ng mga bagay na kung titingnan ay off-putting sa istasyon niyang pinagtatrabahuhan.

Nakapagbibiro siya sa It's Showtime mentioning (and praising) rival show, Eat Bulaga. Nabibiro niya nang ganun na lamang si Charo Santos na dating presidente ng network at may mataas pa ring katungkulan hanggang ngayon. Napagsalita niya on air si Willie Revillame na alam ng lahat ay isa nang Kapuso (with his show, Wowowin aired on GMA7).

Marami ang natutuwa, pero marami rin ang naiinis. Kung alin ang mas marami, make your own survey.

Nitong nakaraang araw, tungkol naman sa expiration ng franchise ng ABS-CBN ang pinahagingan niya sa It's Showtime. Sa tanong ng co-host na si Vhong Navarro kung bakit hindi siya tumakbo noong eleksiyon, sagot niya: "Ay, naku, may balak ako, antayin niyo ako, President agad. Sabi ni Digong (Pres. Duterte) sa akin, 'Pagkatapos ko, ikaw magiging Presidente. Ako bahala.'"

Sabad ni Ryan Bang, "Presidente ng Pilipinas?"

Sagot ni Vice, "Oo, Presidente agad. Siyempre 'no, di nga natin alam kung mari-renew, so magpi-presidente agad." Na agad naman niyang sinundan ng, "Charot lang!"

May iba bang makagagawa nun kahit 'charot lang'?