Vice, ipinagluto ng adobo ni Calvin

November 20, 2018
Vice Ganda

MAPAGLARO pala ang comedian-TV host na si Vice Ganda kapag may date.

Mapaglaro, in the sense na mahilig siya mag-eksperimento sa make-up niya.

“Pinaglalaruan ko ’yung shades, pinagsasama-sama ko ’yung severe, venom, chukchak, hayabayabayu, pinagsasama-sama ko sila. Tatlong (shades) na ngayon ang nalagay ko sa labi ko, isa ’yung ginamit ko sa Showtime, tapos papunta rito tapos bago ako bumaba ng kotse, nagdagdag na naman ako,” kuwento ni Vice  sa pagbubukas ng Vice Cosmetics Flagship store na pag-aari niya sa ground floor ng Market! Market! nu’ng Sabado ng hapon.

’Di naman isinisikreto ni Vice na masaya at inspirado siya ngayon at kitang-kita iyon sa aura niya.

Kakaiba raw ang pagkakaibigan nila ng cager na si Calvin Abueva dahil hindi siya ikinakahiya nito.

“Masayang-masaya ako, kaming dalawa masaya ako na kasama siya, masaya kami at natutuwa ako na may mga taong sumasaya for me especially for me. ’Yung support online, may mga nababasa ako.

“Sabi ko nga sa Showtime, ‘it’s about time na ’yung mga tao ngayon ay hindi na ganu’n kababaw, hindi na ganu’n ka-baboy ang tingin na diring-diri na ano ba ’yun? Ano bang mali? Tumatalino na rin ang mga tao unti-unti,” masayang kuwento ni Vice.

“Si Calvin kasi, ano siya, wala siyang pakialam, open siya, eh,”  patuloy niya. “Alangan namang ako pa ’yung umarte, ako pa ’yung magtago, baka sabihin niya, ‘ano ikinahihiya mo ako?’ Eh, proud siya sa akin na kaibigan niya ako, eh, di mas lalo akong proud na kaibigan ko siya.”

May kapayapaan daw at kulay pula ang puso niya ngayon, wala siyang iniisip na kung anu-ano dahil pati ’yung relationship ng family ni Calvin sa kanya, masaya.

Ipinagluto pa nga raw siya nito at ang Showtime gang ng adobo minsan at pati ang lola ni Calvin, kinikilig sa kanilang dalawa.

“Baka nga gawin kong endorser ng Vice cosmetics si Calvin, ’yung lola niya, ’yung ate niya, mommy niya,” ani Vice.

Samantala, naglabas nga rin pala ang Vice Cosmetics ng bagong line ng cheek blush, contour at highlighters kasama sina Maymay Entrata at Kisses Delavin bilang celebrity endorsers bukod kay Vice.