Vice, ready to sacrifice for love

December 01, 2018
Thumbnail

NOON ang TVJ ang may tinatawag na Midas' touch, ngayon ay si Vice Ganda na.

Turn naman ng Unkabogable Star ang magkaroon ng power para makatulong sa mga nangangarap na maging artista. Everyone Vice touches now turns to gold. Dahil sa kanyang kasikatan at impluwensiya, madaling sumisikat ang mga taong kinagigiliwan niya.

Gaya na lamang itong si Jackie na nakilala bilang Ate Girl na nagkaroon ng magandang exposure sa Miss Q & A sa It's Showtime. Parang siya si Samantha Chavez na isa ring dancer noon na pinasikat nina Tito, Vic at Joey sa Eat...Bulaga. Maging ang escort na si Ion Perez, humahataw na rin dahil sa exposure nito sa nasabing segment. Iba talaga ang influence ngayon ni Vice. Kaya naman bawat comment niya lalo na tungkol sa mga national isyu ay trending agad. Good thing now that he has mellowed down with his commentaries. Or better put, he comments on political or national issues only when necessary.

Ngayon, kitang-kita sa kanyang kilos na masaya siya sa friendship nila ng basketbolistang si Calvin Abueva. Ano kaya ang puwedeng isakripisyo ni Vice sa ngalan ng pag-ibig? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj @yahoo.com.