Victa family, nagbigay ng official statement

March 22, 2019

NAGBIGAY ng official tatement ang pamilya ng yumaong radio-TV-movie actor na si Augusto Victa ang tinaguriang “The Greatest Radio Drama Actor of All Time”  na may kinalaman sa gagawing memorial service sa yumao.

“Memorial service for Augusto Victa will be held at the Loyola Memorial Chapels in Sucat, Paranaque on March 24, 2019 (Sunday) at 6:30 p.m.

His family welcomes all who wish to attend and bid “The Philippines’ Greatest Radio Drama Actor of All Time” farewell.

Further, his family wishes to announce that the chapel will be open to loved ones and visitors as early as 1 p.m.”

Sa araw na ito ng Biyernes, March 22 ang dating mula Los Angeles, California ng isa sa siyam na anak ng yumao, si Valen Victa na siyang nangasiwa ng lahat remotely habang siya’y nasa Amerika pa.  Ang iba pa niyang mga kapatid ay sina Cherry, Irene, Sylvia, Theresa, Tyrone, May at Mike.  Si Rowena naman ang kanilang half-sibling (sa father side).

Bukod kay Val, nakatakda ring dumating sa bansa for the cremation and memorial service ng kanilang ama ang iba pa niyang mga kapatid except for Tyrone na isang RN (registered nurse) in New Zealand.  Sa araw mismo ng pagkamatay ng kanilang ama, si Tyrone ay nasipa sa dibdib ng isang violent patient sa hospital kung saan siya nagtatrabaho.   He suffered a fractured rib cage at pinagbawalan ng mga doctor na magkikilos at magbiyahe kaya siya lamang ang bukod-tangi sa mga anak ng yumao  ang wala.

Ang isa sa mga sikat programa ni Augusto  sa radio at telebisyon ay ang “Gulong ng Palad” na kanyang sinimulan sa DZRH in 1949 and was adopted into TV in 1977 up to 1985 na tumagal sa ere sa loob ng walong taon.  

Naging bahagi rin si Augusto ng unang “Anna Liza” TV drama series ng GMA mula February 4, 1980 at nagtapos nung May 10, 1985.  

Sa ika-70th anniversary (not 75th) ng DZRH nung 2009, si Augusto ay ginawaran ng “Greatest Radio Drama Actor of All Time”.