Viva collabs with iflix

July 11, 2019

LAST Wednesday night, July 10, dumalo kami sa formal launching ng partnership between iflix and Viva Communications, Inc. na ginanap sa Arthaland Pacific Tower in Bonifacio Global City, Taguig City na dinaluhan hindi lamang ng top bosses ng dalawang kumpanya kundi maging ng ilan sa mga Viva stars and talents na pinangunahan ni Matteo Guidicelli na siyang special guest performer ng event and was hosted by Sam YG.

In our brief talk with Viva’s top honcho Vic del Rosario, ibinahagi nito sa amin na nag-invest ang Viva sa iflix not only in terms of content kundi magiging partner din sila sa pagpu-produce ng 30 movies sa loob ng tatlong taon at siyam na mini series.  Magkakaroon din ng access ang iflix sa library ng Viva.

Ang iflix is a free and subscription video on demand service provider with global headquarters in Kuala Lumpur, Malaysia.  Ito’y pinamumunuan ng CEO na si Mark Britt with Patrick Grove and Evolution Media as co-founders  in 2014.

“We entered into other (business) partnerships with other companies at isa na rito ang iflix,” dugtong pa ng business visionary na si Boss Vic who is into various
successful business ventures including food business.

Speaking of Viva, isang kakaibang trade fair ang binuo ng kumpanya na pinamagatang VIVACON 2019 na magaganap sa darating na August 3 (Saturday) and August 4 (Sunday) from 10 a.m. to 10 p.m. sa World Trade Center in Parañaque with an entrance fee of P550/person. Ang bawat ticket holder ay magkaroon ng access sa lahat ng activities at kasama na rito ang ma-meet nila in person ang mga Viva star tulad nina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Nadine Lustre, Matteo Guidiceli, Empoy Marquez, Alex Gonzaga, Arjo Atayde, JC Santos, Bela Padilla at marami pang iba.  Magkakaroon din ng live shows featuring other Viva stars and artists tulad nina Yassi Pressman, Unique, Callalily, Kean Cipriano, Because, The Juans, Mark Bautista, the PPop Girls, Viva Hot Babes, Janine Tenoso, Shane Dandan, John Roa, SexbombNewGen, This Band at maraming iba pa.

Talks ng mga kilalang screenwriters and directors ay kanila ring matutunghayan na magmumula kina Bela Padilla, Treb Monteras na siyang director ng “Respeto,” Sigrid Bernardo, director ng “Kita Kita,” at Paul Basinillo, director ng “Indak” sa araw ng Sabado, August 3 at sina Jason Paul Laxamana ng “100 Tula Para Kay Estela,” Irene Villamor at Nuel Naval ng “This Time” sa araw ng Linggo, August 4.

Inaasahan din ang promo visits ng stars and cast ng pelikulang “Indak” na tinatampukan nina Nadine Lustre at Sam Concepcion, “Not Just A Stranger” nina Anne Curtis at Marco Gumabao; “Sang-gano, Sang-guwapo, Sang-gago” na sina Andrew E., Dennis Padilla at Janno Gibbs maging ang cast ng “Unforgetattable” na pinagbibidahan ni Sarah Geronimo.

Ang Vivacon 2019 ay magiging bukas din sa auditions for aspiring actors, singers and bands.

Meron ding mahigit 100 booths na mabibilhan ng mga entertainment products and services at ang ilan dito ay may mga promo.

Ang mga tickets ay mabibili na sa SM ticket outlets.