Viva may mga bagong talent

June 01, 2019

ANG Viva Records ay isa sa mga recording companies ang aktibo ngayon sa pagbibigay ng break ng break sa mga baguhan at mga kabataang recording artists na naga-aspire na makilala ng publiko balang araw.

Magkasunod ang launching ng debut singles ng 13-year-old na si Via Ortega via her song “Paghanga” at ang 16-year-old pop artist na si Hannah Magdales na hindi lamang magaling kumanta kundi mahusay din siyang sumayaw at tumugtog ng iba’t ibang instrumento tulad ng piano, guitar, drums, violins at ukulele.

Ang multi-talented young artist na si Hannah ay nag-launch ng awiting “Heto Na Naman” na ginanap sa Music Hall ng Metrowalk last Saturday kung saan may personal guest appearance ang dating child actor now  17-year-old Kapamilya teen-age actor na si Zaijian Jaranilla who also appeared in Hannah’s music video.

Ayon kay Hannah, first time nilang nag-meet ni Zaijian sa shoot ng kanyang MTV at agad umano silang nagkagaanan ng loob at naging magkaibigan.

Hannah was three nang magsimula siyang magkahilig kumanta.  In school ay madalas umano siyang kumanta sa mga school programs.  Biggest challenge umano sa kanya ang kanyang paglahok sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) in California, USA a year ago kung saan siya nakapag-uwi ng dalawang medalya, one in singing at ang isa ay sa kanyang dancing skills.

Ayon kay Hannah, nagsimula na rin umano siyang sumulat ng songs pero hindi pa umano niya ito ipinarinig sa Viva Records.

Hannah admits na sina Ariana Grande at ang Pop Star na si Geronimo ang kanyang hinahangaang female singers.

Bukod sa voice and dance workshops, sumailalim na rin si Hannah ng acting workshop dahil bukas umano siya sa pagiging isang artista.

Ang “Heto Na Naman” ay komposisyon ni Hannah de la Rosa at available na sa Spotify, Apple Music at iba pang digital platforms.