VM Janella iba ang style sa ama at lolo

February 08, 2019
Janella Ejercito Estrada
Janella Ejercito Estrada

TINAPOS muna ni Janella Ejercito Estrada (29) ang kanyang pag-aaral ng Political Science degree  sa De la Salle University bago siya pumasok sa pulitika in 2003 bilang konsehal ng San Juan City kung saan umupong mayor ang kanyang grandfather, ang dating Pangulo at ngayon ay mayor ng Maynila na si Joseph ‘Erap’ Estrada.  Naglingkod ding  vice-mayor at mayor ang ama ni Janella na si dating Sen. Jinggoy Estrada sa nasabing siyudad bago ito tumakbo sa pagka-senador na muli nitong babalikan sa darating na mid-term elections sa darating na Mayo 13. Nanilbihan ding mayor ng San Juan ang kanyang uncle na si Sen. JV Ejercito at outgoing mayor naman ng siyudad ang ina ni Sen. JV  si Mayor Guia Gomez.  

Sa darating na Mayo ay kandidato naman sa pagka-mayor ng San Juan  si Janella.  At kung papalarin siyang mahalal, she will be of same  age with her dad (Sen. Jinggoy) nang ito’y maging mayor ng siyudad at 29.

Hindi ikinakaila ni Vice Mayor Janella na idol niya ang kanyang lolo Erap (Joseph Estrada) at amang si Jinggoy sa pagiging  public servant. Pero ang hindi niya ginaya ay ang pagpasok sa showbiz na siyang naging pasaporte ng kanyang grandfather at ama para makilala bago nila pinasok ang larangan ng pulitika.

After graduation from college ay nanilbihang councilor ng San Juan si Janella ng isang term at pagkatapos nito ay isang term din bilang vice-mayor. Mag-aanim na taon na siya sa public service na sapat na para sa kanya para humawak ng mas mataas na posisyon.

Mula sa pagkabata ay namulat na si Janella sa showbiz at political life ng kanyang lolo at ama at kabisadung-kabisado na rin niya ang problema at mga pangangailangan ng San Juan na gusto niyang matugunan kapag nahalal siyang alkalde ng siyudad.

“I have always been very observant sa lolo at dad ko at walang nag-udyok sa akin na sundan ko ang kanilang mga yapak sa larangan ng pulitika,” pag-amin ni Janella nang ito’y aming makahuntahan sa advance birthday treat ng kanyang dad with the entertainment media last Thursday lunch.

Being the eldest sa apat na anak ng mag-asawang Sen. Jinggoy Estrada at Precy Vitug-Ejercito, hindi nito ikinakaila ang maraming pagsubok na pinagdaanan ng kanilang pamilya which even made them closer and stronger.

Between her dad and mom, she considers her mom more disciplinarian than her dad na siya namang spoiler sa kanilang magkakapatid. But they all grew up to become obedient, God-fearing, respectful at higit sa lahat, mapagmahal hindi lamang sa kanilang pamilya kundi maging sa kanilang kapwa.

Samantala, sakaling mahalal as the next mayor ng San Juan, ipinangako ni VM Janella na ipagpapatuloy umano niya  ang magagandang proyektong nasimulan ng outgoing mayor na si Guia Gomez pero marami siyang mga bagong proyekto na sisimulan at kasama na rito ang libreng pagpapagamot sa San Juan Public Hospital ng mga taga-San Juan, create more jobs at livelihood  sa kanyang turf at mabigyan ng libreng edukasyon ang mga out of school youth.  Ipinagmalaki rin ni VM Janella na ang almost 300 drugs surrenderees in San Juan na lahat sumailalim ng rehabilitasyon ay mga productive people na ngayon dahil nabigyan sila ng mga trabaho.  Pangarap din ni VM Janella na maging drug-free ang San Juan during her term at mabigyan ng attention ang edukasyon ng mga kabataan maging ang kultura at sining.

Sa darating na Valentine’s Day ay mga senior citizen ng San Juan ang kanyang ka-Valentine na taun-taon umano niyang ginagawa magmula nang siya’y pumasok sa pulitika as councilor  in 2013.

Nakasama rin ni VM Janella ang actor at vice-governor ng Cavite na si Jolo Revilla (son of Sen. Bong Revilla at actress-mayor of Bacoor, Cavite na si Lani Mercado) sa isang special course on Public Policy and Leadership  sa The John F. Kennedy School of Government at Harvard University in Cambridge, Massachusetts, USA nung isang taon.  Balak din niyang kumuha  ng iba pang special course sa Harvard if her schedule permits.

Si VM Janella ay third generation na sa pulitika ng pamilya Estrada (Ejercito).

Si VM Janella ay may tatlong nakababatang kapatid na sina Jolo, Jill at Julian na nag-iisang sumubok sa showbiz.