Home>Entertainment>Showbiz>Wacky wala nang trabaho, restaurant isinara

Wacky wala nang trabaho, restaurant isinara

Wacky Kiray

ISA ang singer-comedian na si Wacky Kiray (Ricarddo Balarba, Jr.) sa maraming talents ng ABS-CBN ang nawalan din ng trabaho.

Si Wacky Kiray ay dating napapanood sa local version ng Korean mystery music game show na “I Can See Your Voice” hosted by Luis Manzano at kung saan isa siya sa mga Sing-Vestigators along with Alex Gonzaga, Angeline Quinto, Bayani Agbayani, Andrew E. at Kean Cipriano.

Ang masakit pa, nagsara na rin ang mga comedy bar na dati niyang pinagtatanghalan. Isinara na rin niya ang kanyang itinayong restoran in Marikina, ang Manganen Bagnet House dahil sa pagkalugi sanhi ng pandemya.

Si Wacky Kiray ang nanalo sa celebrity talent competition ng ABS-CBN, ang “I Can Do That” in 2017.

Bukod kay Wacky, marami pang ibang celebrity entrepreneurs ang naapektuhan ang mga negosyo tulad nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Karla Estrada, Marvin Agustin, Kris Bernal, Matteo Guidicelli, Alden Richards, Ai-Ai de las Alas, JC de Vera, at marami pang iba.

Publication Source :    People's Tonight
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger