Walang iba para kay Edward kundi si Maymay

September 18, 2019

WALA pa umano sa boyfriend/girlfriend ang level ng relationship nina Maymay Entrata at Edward Barber pero hindi nila gustong makita ang isa sa kanila na may kasamang iba.  Hindi ikinakaila ni Edward ang kanyang pagtatangi sa ka-loveteam (na nagsimula sa loob ng PBB house) na si Maymay. Hinihintay lamang umano niya na maging ready ang dalaga na siya’y tanggapin bilang kasintahan nito.

Inamin naman ni Maymay na kung saka-sakaling magkakaroon siya ng boyfriend ay gusto niya na si Edward na `yon at hindi umano niya kayang makita ang Fil-Brit actor na ma-link sa iba.

Ayon na rin mismo kay Edward, nire-respeto umano niya ang desisyon ni Maymay at pamilya nito na maghintay pa sila ng kaunti at mag-focus muna sa kanilang respective career.  After all, mga bata pa sila at hindi kailangang magmadali.

Samantala, muling matutunghayan ang tambalan nina Maymay at Edward sa kanilang September 27 joint concert na “M.E. and U” na gaganapin sa New Frontier Theater (formerly KIA Theater).

Sina Maymay at Edward din ang magkasamang dumalo sa recently-concluded ABS-CBN Ball na ginanap sa Shangri-La at the Fort in Bonifacio Global City sa Taguig City nung nakaraang Sabado, September 19.  Sila ang napiling “Celebrity Couple of the Night” ng nasabing pagtitipon ng mga Kapamilya stars and talents.

Samantala, naghihintay naman ang mga fans ng MayWard ng bago nilang movie bilang follow-up sa kanilang “Loving In Tandem” in 2017.

Ang MayWard ay isa sa mga successful love teams na nagsimulang mabuo sa loob ng PBB house na sinimulan nina Kim Chiu at Gerald Anderson in 2006.