‘Walang pilitan’

February 10, 2019
Alden Richards

Alden: ’Wag ipilit ang mga bagay na hindi talaga magwu-work.

Kanya-kanyang interpretation ang fans sa sagot ni Alden Richards nang tanungin kung ano ang pwede niyang i-share na love advice para sa darating na Valentine’s Day sa February 14.

Sabi ni Alden: “Isang natutunan ko sa buhay when it comes to relationship is number one, walang pilitan. ’Wag nating ipilit ’yung mga bagay na minsan hindi talaga magwu-work and siguro ’yung respeto sa isa’t isa.” 

In general ang pahayag na ’yun ni Alden, pero hindi maiwasang may mag-isip na para ’yun sa fans na pinipilit na mayroon silang relasyon ni Maine Mendoza gayung may kani-kanya silang buhay. 

Anyway, muling nag-donate ng dugo si Alden sa Kapuso Bloodletting 2019 na every year niyang ginagawa. 

Sa pagdu-donate ng dugo, makakatulong siya sa mga nangangailangan. May fans siyang na-inspire at ginagaya ang pagdu-donate niya ng dugo.

Good news kay Alden ang pagri-recognize ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa Alaala: The Martial Law Special.

Isa ang Alaala sa mga binigyan ng parangal sa ginanap na FDCP Film Ambassadors’ Night sa SM Aura.

Also, nagsimula nang tumanggap ng aplikante ang franchise branch ng McDonald’s ni Alden sa Sta. Rosa, Laguna.

Sa April na ang opening ng branch, kaya kung gusto niyong maging boss si Alden, apply na.

Ang sister niyang si Riza ang managing director ng bubuksang branch ni Alden.