Walk of Fame ni Kuya Germs, tuluy-tuloy

December 01, 2018
Kuya Germs
Kuya Germs

KAHIT  mahigit dalawang taon nang namayapa ang star builder at ang Master Showman at founder ng Stars Walk of Fame sa Eastwood City na si German `Kuya Germs’ Moreno, ipinagpapatuloy pa rin ng kanyang kaisa-isang anak na si Federico Moreno at bumubuo ng board ng foundation na itinatag in behalf of Kuya Germs bilang  pagkilala sa mga taga-industriya sa pamamagitan ng paglalagay sa kanilang mga pangalan sa Stars Walk of Fame .  Sa taong ito sa ika-13th anniversary ng Stars Walk of Fame sa Eastwood City, sampung inductees ang paparangalan ng sarili nilang stars sa Eastwood City in Quezon City na gaganapin sa darating na December 10 (Monday) at 6 p.m.  Ang mga ito ay sina Marichu Vera Perez-Maceda, movie director and talent manager na si Chito Roño and his talent na si Vhong Navarro, Derek Ramsay, ang veteran broadcast journalist ng BBC na si Rico Hizon, Ken Chan, Julia Barretto, Pia Wurtzbach at James Reid.  Bibigyan naman ng posthumous award ang yumaong si Dr. Jose Perez, ang star maker at producer ng Sampaguita

Pictures na pinagmulan ng maraming stars and talents noon.

Tiyak na masaya si Kuya Germs sa kanyang kinaroroonan ngayon dahil hindi nawalan ng saysay ang kanyang sinimulan 13 years ago, ang Stars Walk of Fame in Eastwood City na inspired sa Walk of Fame in Hollywood sa Los Angeles,  California, USA.