Wilbert, na-trauma kay Mader Sitang

November 26, 2018
Mader Sitang & Wilbert Tolentino

Moving on na ang negosyante at Mr. Gay World 2009 winner na si Wilbert Tolentino matapos ang traumatic na karanasan sa Thai internet sensation and trans woman na si Mader Sitang.

Lesson learned sa kanya ang nangyari na naniwala siya sa mga nakita niya sa internet about Mader Sitang na kesyo abogado at pilantropo na diumano ay nag-donate raw ng malaking halaga sa Yolanda victims sa Pilipinas.

“Charge it to experience na lang, and ’yun nga, lahat tayo nabiktima, dapat hindi tayo nadadala sa mga fake news, saka lalo ‘yung pagko-comment natin na hindi natin alam ‘yung real story,” pahayag ni Wilbert sa presscon recently para sa kanyang bagong online store na UBC Shopping is Helping.

Matatandaang duma-ting ng Pilipinas si Mader Sitang noong nakaraang buwan at si Wilbert ang tumayong manager niya para sa mga proyektong gagawin niya dito sa ’Pinas.

Pero nang pumunta si Wilbert sa Thailand kama-kailan para ayusin ang kontrata nila ni Mader Sitang, doon na nadiskubre ng negosyante/ manager na hindi pala totoo ang lahat ng pagkakakilala niya sa Thailander.

Sa airport pa lamang ay nagpakita na raw ng pagkainis si Mader Sitang nang malaman nito na walang dalang 20M Baht si Wilbert. Humihingi na raw agad ito ng ganu’n kalaking halaga sa kanya gayung wala namang ganun’g usapan sa kontrata.

Sa ngayon ay blacklisted na sa Pilipinas si Mader Sitang habang si Wilbert naman ay nagka-focus UBC (Ultimate Brand Concept) online shopping niya kung saan makakabili ng iba’t ibang produkto tulad ng beauty products, accessories, gadgets at kung anu-ano pa.

Sa presscon ay ipinakilala rin ang mga endorsers ng UBC Online shopping na sina Sebastian Castro, Kevin Ballot, MM Madrigal at Kim Andaya. Kasama rin sa endorsers si Wilbert mismo.

Balak niya ring kuning brand ambassadors ng UBC sina Ice Seguerra at Jake Cyrus.