Will may ipinalit na kay Roxanne

March 06, 2019
Roxanne Barcelo

MAHIGIT apat na taon ding tumagal ang relasyon ng ex-PBB housemates (Celebrity Edition 2 in 2006)-turned model-actors na sina Roxanne Barcelo at Will Devaughn pero ito’y nagtapos nung December 2017 after they co-starred and co-produced the movie “I Found My Heart in Santa Fe”.

Although tahimik lamang ngayon ang Fil-Am singer-actress na si Roxanne pagdating sa kanyang lovelife (kung meron man), ang ex-boyfriend niyang si Will ay nakatagpo na ng bagong girlfriend sa pamamagitan ng 23-year-old model and international celebrity host na si Cay Kuijpers na ang ina ay Filipina-Spanish habang ang ama ay isang Dutch.  Si Will naman ay isang African-American with German descent.

Si Cay ay nagtapos ng Business Management at mahilig sa sports kaya magkasundung-magkasundo sila ni Will (37).  Bukod sa golf, mahilig din si Cay sa wakeboarding, rock climbing at painting.  Although sa Pilipinas siya ipinanganak, lumaki at nag-aral, kasalukuyang naka-base sa Malaysia ang bagong kasintahan ni Will.