Willie, may pakotse sa co-host ng ‘Wowowin’

December 02, 2018
Willie Revillame

Pinost ni Sugar Mercado ang kotse na binigay sa kanya ni Willie Revillame bilang Christmas gift, kasunod ang pasasalamat.

“Thank you for your big heart! Mas magiging happy lalo ang Christmas namin ng mga kids ko! We love you maraming salamat kuya Will napakabuti mo sa aming lahat #wowowin #Godisgoodallthe time.”

Positive ang comments ng followers ni Sugar sa blessing na natanggap nito, deserve raw niya ang blessing dahil mabait siyang nanay at masipag magtrabaho. Pinuri rin si Willie sa pagiging galante sa mga kasama sa trabaho.

Isa si Sugar sa mga co-host ni Willie sa Wowowin at bilang pasasalamat sa tulong si Sugar para maging successful ang show, isang sasakyan ang kanyang Christmas gift dito. Curious kami kung lahat ng co-host ay kotse ang ibinigay ni Willie.