Home>Entertainment>Showbiz>Willie napaiyak nang dalawin ang original Wowowin studio

Willie napaiyak nang dalawin ang original Wowowin studio

Willie Revillame
Willie Revillame

HINDI napigilan ng Wowowin host na si Willie Revillame ang mapaluha at maging emosyonal nang bisitahin niya kamakailan ang dati nilang studio sa GMA Network compound. Kuwento niya sa nakaraang episode ng show, nakaka-miss ang saya na nabibigay ng live audience.

“‘Pag pasok ko doon medyo maluha-luha ako. Alam niyo bakit? Kasi pagpasok ko, bakante, bakante ‘yung studio. Tahimik. ‘Yung mga ilaw walang kinang… ‘yung LED walang ilaw. ‘Yung mga speaker, walang tunog. ‘Yung mikropono ko, wala doon, lahat. Nami-miss ko na kayong lahat. Nami-miss na namin ‘yung sumisigaw ‘pag naka-‘handa na ba kayo?’ Nami-miss naming lahat ‘yan. Pero ganun pa man ho, kahit na wala kaming kasama sa studio, tuluy-tuloy pa rin po ang programang Wowowin para sa inyong lahat.”

Isang magandang sorpresa naman ang nag-aabang sa loyal viewers ng Wowowin dahil inanunsyo ni Willie na babalik na sila sa original studio simula Nobyembre. Tuwing Biyernes ay magkakaroon na sila ng live show at ibabalik na rin ni Kuya Wil ang segment na ‘Insta Jam.’

Mapapanood ang ‘Wowowin’ mula Lunes hanggang Biyernes sa TV at sa official verified social media accounts: www.facebook.com/GMAWowowin sa Facebook, www.youtube.com/Wowowin sa YouTube, at twitter.com/gmanetwork sa Twitter.

Julie Anne napili ng Netflix PH para sa cover ng ‘Over The Moon’ theme song

Julie Anne San Jose
Julie Anne San Jose

ANG Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose ang pinili ng Netflix Philippines para sa local cover ng “Rocket To The Moon,” ang theme song ng 2020 animated film na Over The Moon.

“When I first heard about [the song cover], I got really excited since I have always been a fan of Netflix films. I’m happy and honored that they have chosen me to do a cover of ‘Rocket to the Moon.’ I hope I was able to give justice to the song and hope that fans like it,” ani ni Julie.

Ikinuwento niya rin ang naging experience sa shooting ng music video produced by Netflix.

“The [shoot] is different from the previous music videos that I have done since this time, there is an animation component. While filming, we used Chroma and I had to imagine that I was part of the movie and interacting with some of the characters of the film, which for me, was the most exciting part. The fun part was that everyone was humming the song, even the most macho crew on the set.”

Tweet ng isang fan, “We didn’t see this coming, @Netflix_PH Thank you for choosing our Asia’s Pop Diva. An effortless and unbothered Queen indeed!”

All-Out Sundays may engrandeng selebrasyon ngayong Linggo

All-Out Sundays
All-Out Sundays

DOBLE at engrandeng selebrasyon ang naghihintay sa viewers ng musical-comedy-variety show na ‘All-Out Sundays’ ngayong Linggo (Nobyembre 1) dahil bukod sa masquerade ball party na dadaluhan ng bigating Kapuso stars ay may bagong artist din na iwe-welcome ang AyOS barkada!

Makisaya sa masquerade ball-inspired opening number kasama sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Gabbi Garcia, Christian Bautista, Mark Bautista, Rita Daniela, Ken Chan, Ruru Madrid, Miguel Tanfelix, Jeremiah Tiangco, Garrett Bolden, Derrick Monasterio, at Paul Salas.

Special guests din sina Rhian Ramos, Winwyn and Vito Marquez, at Anthony Rosaldo sa selebrasyon.

Makiki-join din sa Halloween episode sina Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, Lexi Gonzales, Shayne Sava, at Kim de Leon sa kanilang performance ng hit song na ‘Thriller’.

Bukod sa bagong artist na ipakikilala ngayong Linggo sa AOS, makakasama rin ni Gabbi ang kanyang fellow guitar players na sina – Julie Anne, Jeric Gonzales, Jeremiah, at bestfriend na si Janine Teñoso sa acoustic performance ng mga kantang ‘Beautiful Scars’ at ‘Love Someone.’

May tribute rin ang mahuhusay na Kapuso singers na sina Pops Fernandez, Aicelle Santos, at Maricris Garcia para sa magigiting na frontliners. At sagot naman ni Betong Sumaya ang katatawanan sa ‘Bentang-Benta’ – ang kauna-unahang online selling battle sa telebisyon kasama sina Archie Alemania, Tetay, at Atak.

Tutukan din ang kakaibang musical challenge sa ‘Ano Raw?!’ kasama ang OGs na sina Jeric, Derrick, at Paul laban kina Ken, Ruru, at Miguel.

Napapanood ang ‘All-Out Sundays’, 12nn, Linggo, sa GMA-7.

Bianca at Jeric nagpasalamat sa fans

Bianca Umali and Jeric Gonzales
Bianca Umali and Jeric Gonzales

SA GMA Artist Center online show na Quiz Beh, nagpaabot ng pasasalamat sina Bianca Umali at Jeric Gonzales sa lahat ng fans na patuloy na nagbibigay ng suporta at pagmamahal sa kanilang dalawa.

“Sa lahat po ng mga taong sumusuporta at nagmamahal po sa akin, maraming maraming salamat. Mahal na mahal ko kayo. Lagi kong sinasabi na kung hindi po dahil sa inyo, ay wala po ako sa kinaroroonan ko ngayon. Kayo ang inspirasyon ko and everything I do is to make you happy. Maraming salamat po,” lahad ni Bianca.

Pinasalamatan din ni Jeric ang mga sumusuporta sa kaniya simula pa noong parte pa lamang siya ng Protégé. Ibinahagi niya rin na ang ilan sa kanyang fans ay naging kaibigan na niya.

Ayon sa Kapuso actor, “Naging friends ko, hindi lang fan or supporter. Naging close ko na talaga. Sana kung saan man ako makarating, nandiyan pa rin kayo para sa akin. Mahal ko kayo.”

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal