Willie 'sinupalpal' si Roque?

June 01, 2020
Willie Revillame

PINATUNAYAN ni Willie Revillame na marunong siyang tumanaw ng utang loob.

Sa May 27 episode ng kanyang programang Wowowin, ipinakita ni Willie kung gaano pa rin niya pinapahalagahan ang dati nitong tahanan - ang ABS-CBN. Ito ay matapos niyang "soplahin" ang kanyang guest na si Spox Harry Roque.

Sa nasabing episode, tila nangiintriga si Roque nang sabihin niya kay Willie na mag-isa na lang siyang pinapanood sa naturang timeslot dahil wala na itong katapat sa GMA7. Pero dinedma lang ito ng huli. Biro ni Roque, “Sa kauna-unahang pagkakataon, ikaw lang ang napapanood sa buong bansa. Alam mo, duda ko, kaya 'yung isa nawalan ng prangkisa, ikaw may kagagawan niyan e. O, aminin, aminin."

Mayabang at arogante ang description ng iba kay Willie. Ngunit sa pagkakataon na 'yun ipinakita niya kung ano ang tama. Dahil hindi niya pinatulan ang patutsada ni Roque. Instead, Willie politely told the latter to focus on Covid-19 and not to talk about the franchise. Aniya, “Malaki din po ang utang na loob ko sa istasyon na yan. Do’n ako nagsimula, do’n ako nakilala, nasa puso ko pa rin ‘yan. Kapamilya, Kapatid, Kapuso, bawat Pilipino. Kaya Sec, wag mo akong idamay. Baka ma-bash po ako. Nananahimik po ako.”

Dahil dito, marami ang humanga sa comedian-host.

Wowowin is aired live not just to entertain but to help the viewers in these trying times. Nakakabilib naman itong si Willie dahil alam niya ngayon kung saan ang tamang posisyon at gamit ng kanyang puso at bibig.

Ngayon, viral na ang nasabing pahayag ni Willie. Naniniwala ba kayo na nasupalpal nga ni Willie si Roque? Just asking..

Disclaimer:

Sadiwa ng malayangpamamahayag, makipag-ugnayan sa 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com