Winwyn: Pakikipaghiwalay kay Mark, ’di pakulo

February 17, 2019
Winwyn Marquez & Mark Herras
Winwyn Marquez & ex-BF Mark Herras

... aktres, nangangarap pa ring makasungkit ng korona.

Nilinaw ni Winwyn Marquez na hindi gimmick o pakulo ang breakup nila ni Mark Herras para sa movie nila ni Enzo Pineda na Time & Again.

“My gosh, kung pakulo, sinabi ko nga si Enzo, parang baby brother ko, eh. ’Di ba, inamin ko na parang baby brother ko si Enzo, family siya sa akin?

“Kung pakulo ’yun, sana sinabi ko na may spark kaming dalawa. ’Di ba?” sabi ni Winwyn.

Dagdag pa niya, “Mahirap nang lokohin ang mga tao ngayon sa mga ganyan. Ang viewers, very matalino na rin naman. And wala rin naman akong loveteam, so bakit gagamitin ko for promo?”

Paano naman siya sinuportahan ni Enzo during the breakup since kaibigan din niya si Mark?

“Pero kasi hindi pa ako nagkukuwento sa kanya, tinago ko muna for myself and then nu’ng napansin niya na ‘something’s wrong,’ eventually, sinabi ko na hiwalay na kami.

“He’s just being supportive. ’Pag hindi ako nagkukuwento, aantayin nila akong magkwento.”

Samantala, natanong din kay Winwyn kung sasali pa ba siya sa Bb. Pilipinas this year.

“Wala pa, eh. Hindi ko pa talaga alam, eh. Kasi, meron pa akong hanggang next year. Pwede pa akong sumali hanggang next year for the two crowns na talagang gusto ko which is the Universe, siyempre, and the other one is International,” she said.

Pinakikiramdaman pa raw niya kung sasali siya this year dahil kinakailangan niyang i-drop ang lahat ng kontrata niya kung sasali siya.

“I can’t work for three-four months so, medyo mahirap kasi I have Bench, tapos may gagawin po ulit ako na film with Regal na very excited din po ako, sana abangan nila ’yun.

“And alam ko, may pinaplano na ulit na teleserye. So, ang hirap, kailangan mong i-weigh ’yung things, eh. Hindi ko naman pwede i-drop na lang basta-basta kasi gusto kong sumali sa pageant,” she said.
Pero kung tatanungin siya kung gusto pa niyang magkaroon ng korona, siyempre naman daw.

“Hindi naman mawawala ’yun. Pero ngayon siguro, happy naman ako sa napanalunan ko (Miss Reina Hispanoamericana) and happy naman ako sa tanggap ng tao,” sey pa ng dalaga nina Joey Marquez at Alma Moreno.