‘Wowowin' may bago nang studio

September 20, 2019

SIMULA sa darating na September 30 ay magagamit na ang newly-renovated studio ng daily game show na “Wowowin” na co-production ng GMA at ng host-producer na si Willie Revillame under his own WBR Entertainment.

Mas moderno,  malaki at mas maraming audience ang maa-accommodate ng bagong “Wowowin” studio na si Willie rin mismo ang personal na nag-supervise.

Ang “Wowowin” ay nagsimula nung May 10, 2015 bilang once-a-week program hanggang sa ito’y maging daily na, Monday hanggang Friday ng hapon simula nung February 2016.

The 58-year-old game show host-producer started out as a musician bilang drummer bago nito pinasok ang pagiging actor-comedian and onto his hosting job sa “Lunch Date” in 1987 kasama si Randy Santiago.

Meanwhile, Willie has been married twice una sa now US-based na si Princess Punzalan at pangalawa si Liz Moro na kanyang pinakasalan in 2005 but his marriage sa dalawa ay parehong na-annul.

Panganay na anak ni Willie (sa sister ni Maricel Soriano na si Bec-Bec) ang actress na si Meryll Soriano at may isa naman siyang anak sa kanyang ex-wife na si Liz Moro, si Juan Emmanuel.

Although 2008 pa na-annul ang huling marriage ni Willie, mukhang hesitant pa rin ito hanggang ngayon na muling mag-asawa at walang open na ka-relasyon ngayon ang TV host-producer at successful businessman.