Xia sobrang mature ang isip for her age

December 07, 2019
Xia Vigor
Xia Vigor

XIAMARA Sophia Bernardo Vigor popularly known as Xia Vigor is a British-Filipino 10-year-old childstar na nagsimulang makilala nan sumali sa “Mini-Me 2” segment ng noontime show na “It’s Showtime” kung saan siya ang tinanghal na grand winner.  Ginaya niya ang looks ng  American singer-songwriter-actress na si Selena Gomez.  Bukod sa malaking halaga ng cash prize at iba pang premyo, nakapag-uwi rin siya ng brand new house and lot.

“At that time, I was only five years old so hindi po ako ganoon ka-excited sa mga napanalunan ko.  Basta in-enjoy ko lang po ang contest dahil gustung-gusto ko po talagang sumali at mag-artista,” pag-amin nito sa aming panayam sa kanya during the presscon of “Miracle in Cell No. 7” kung saan siya gumaganap na anak ng lead actor na si Aga Muhlach sa local remake ng hit Korean movie with the same title na ipinalabas sa South Korea in 2013.

“Sobra po akong natuwa na napasama po ako sa movie ni Tito Aga at napakaganda rin po ang role ko,” pagmamalaki ni Xia na kahit 10 years old pa lamang ay sobra nang mature mag-isip at magsalita.

“This is so far my biggest role in a movie na nagawa ko po,” aniya.

“I already did six movies at itong “Miracle…..” po ay pang-anim ko na po,” patuloy niya.

“I enjoyed doing the movie not only with Tito Aga but with the rest of the cast at si Direk Nuel (Naval).  They were all so good and so nice to me po,” kuwento pa niya.

Nang manalo siya sa “Mini Me 2” ng “It’s Showtime,” sandali siyang nagkaroon ng segment with Vhong Navarro at dating host ng programa  na si Billy Crawford, ang “Xia and Kuys” at dito siya naka-gather ng strong following sa social media.  Naging bahagi rin siya ng ibang programa sa telebisyon tulad ng “Flordeliza,” “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Little Big Shots,” “Your Face Sounds Famililar Kids,” “The Kids’ Choice” at bahagi rin siya ng “Team Yey” ng Yey Channel.  She has also guested in various shows ng ABS-CBN.

Sa kabila ng pagiging busy ni Xia bilang child actress, hindi nito pinababayaan ang kanyang pag-aaral sa Headway School for Giftedness kung saan ang mga kaklase niya karamihan ay special kids.

“Ginawa po akong scholar ng school at ini-enjoy ko po ang makasama ang mga kaklase kong special children.  Close po ako sa kanila.  Some of them are of my age at `yung iba naman po ay mas matanda sa akin pero para akong ate-atehan sa kanila.  Nagsi-serve din po akong parang assistant teacher because they listen to me at isinasama din po ako sa mga teachers’ meetings."

Inamin sa amin ni Xia na kahit ang Mommy Christy niya ay humihingi rin umano ng advise sa kanya.

Xia was five years old nang mag-relocate ang kanyang pamilya sa Pilipinas sa pakiusap na rin niya dahil gusto niyang mag-artista na natupad naman.