Xian ang mahal magmahal

February 16, 2020
Kim Chiu & Xian Lim

IBANG klaseng magmahal ang singer-actor na si Xian Lim sa kanyang girlfriend na si Kim Chiu.

Last Valentine’s day ay isang 8-ft giant bouquet flower arrangement ang tinanggap ng lead actress ng “Love Thy Woman” na si Kim mula sa kanyang nobyo at co-star na si Xian Lim.

The special flower arrangement must have cost him a huge amount.  Pero balewala ito sa actor dahil ang mahalaga ay nasorpresa, napasaya at na-appreciate ni Kim ang kanyang efforts.

Samantala, kahit 29 na si Kim (turning 30 on April 19) at 30 naman si Xian (turning 31 on July 12), hindi pa umano sumasagi sa kanilang usapan ang planong pagpapakasal.

“Mga bata pa kami pareho at marami pa kaming gustong gawin individually,” pahayag ni Xian sa presscon ng kanyang bagong movie sa bakuran ng Viva Films, ang “Untrue” na pinagtatambalan nila ni Cristine Reyes mula sa direksiyon ni Sigrid Andrea Bernardo (of “Kita Kita “  fame) na magbubukas sa mga sinehan ngayong Miyerkules, February 19.