Xian balik romantic leading man

March 09, 2020
Xian Lim

BALIK-romantic leading man si Xian Lim sa Love The Way U Lie, ang romance comedy movie nila ni Alex Gonzaga na official entry sa 1st Metro Manila Summer Film Festival.

Pinuri at hinangaan si Xian sa Untrue dahil nag-level up nang husto ang kanyang acting ability kaya malaki ang tsansa na magkaroon siya ng mga acting nomination sa susunod na taon sa sangkatutak na award-giving body sa Pilipinas.

Pagkatapos magpakitang-gilas sa Untrue,  mapapanood naman sa Love The Way U Lie ang endearing character ni Xian.

Isang grieving fiancé ang role ni Xian dahil namatay ang kanyang girlfriend na ginagampanan ni Kylie Verzosa pero nagkaroon sila ng komunikasyon sa pamamagitan ng clairvoyant (Alex).

Reminiscent ng 1990 Hollywood movie na Ghost ang plot ng Love The Way U Lie pero ibang-iba ang kuwento ng pelikula nina Xian, Kylie at Alex.

Ang Ghost ang blockbuster movie ni Whoopi Goldberg, Demi Moore at ng pumanaw na aktor na si Patrick Swayze.Ang Ghost ang isa sa mga itinuturing na timeless love story movie.

Incidentally, kahit nakagawa na ng maraming pelikula sa Viva Films, introducing ang billing ng pangalan ni Kylie sa Love The Way U Lie dahil ito ang project na nabigyan ng challenging role ang former Miss International title-holder noong 2016.

Kadalasan, special participation si Kylie sa mga nakaraan na pelikula niya sa kanyang home studio at sa Star Cinema.