Xian 'di na dapat mag-dwell sa mga frustration sa buhay

January 19, 2019
Xian Lim

HINDI na dapat na mag-dwell si Xian Lim sa  mga frustration niya sa showbiz.

Nang mag-guest siya sa “Magandang Buhay” noong Miyerkules, dapat ay nag-concentrate siya sa pagiging thankful sa magagandang breaks na natanggap niya earlier in his career, including the big movies she shared with Kim Chiu. Marami na siyang nagawang magagandang pelikula.

At nakatira na rin siya ngayon sa isang malaking bahay worth P10 million. He also has to thank his mom who’s taking good care of his earnings dahil may mga negosyo na rin sila ngayon.

Xian should look up to Tirso Cruz III na nagbibilang na ng mga acting award ngayon, bukod sa pagbuhos ng grasya sa kanilang pamilya.

On the other hand, nalaman ng manonood na napakasuwerte ng girlfriend niyang si Kim Chiu dahil na mahal na mahal siya ni Xian at pinatutunayan niya ito by avoiding other women.

“I always say no kapag nayayaya akong mag-hang out ng mga co-basketball players ko. Alam ko na kasi kung anong mangyayari don,” natatawa niyang wika.