Xian gustong makawala kay Kim paminsan-minsan

January 18, 2019
Xian Lim and Louise Delos Reyes
Xian Lim and Louise Delos Reyes

PAREHO nang nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) ang dating Kapamilya actor na si Xian Lim at dating Kapuso star na si Louise de los Reyes kaya naging madali ang pagsasama ng dalawa sa pelikulang “Hanggang Kailan”na dinirek ni Bona Fajardo under the joint production ng Viva Films, BluArt Productions at XL8.  Magiging pre-Valentine offering ito which will be shown on February 6, 2019.

Although identified si Xian sa ka-loveteam and real girlfriend na si Kim Chiu, unti-unti na ring nakakaalis ang singer-actor at basketball player sa anino ng huli to stand on his own bilang actor.

Nung isang taon ay sina Sarah Geronimo at James Reid ang mga kabituin ni Xian sa “Miss Granny” ng Viva Films at sina Vilma Santos at Angel Locsin naman ang kanyang co-stars in Star Cinema’s “Everything About Her” na parehong dinirek ni Joyce Bernal.

Sa pelikulang “Hanggang Kailan” ay kapareha naman niya si Louise, dating Kapuso na napapanood naman ngayon sa Kapamilya Network.

Although gustung-gusto niyang katrabaho si Kim, aminado si Xian na gusto rin niyang makatrabaho ang iba’t ibang leading ladies for him to grow na rin bilang isang actor.

Sa paggawa ng "Hanggang Kailan," dumayo pa sina Xian at Louise sa Saga, Japan kung saan kinunan ang majority scenes ng movie.  Sampung araw namalagi ang dalawa sa Saga kasama si Direk Bona and their production team.

Aminado ang dalawang lead stars ng “Hanggang Kailan” na hindi umano sila gaanong magkakilala at nagsimula lamang umano silang mag-usap sa loob ng eroplano on their way to Japan na umabot din ng apat na oras.  Kaya paglapag nila ng Japan ay na-break na ang barrier sa kanilang pagitan at kapwa na sila ready their for their first take.

Kakaibang love story ang “Hanggang Kailan” na dapat panoorin lalu na na ng magkaka-relasyon dahil makaka-relate sila sa kuwento ng pelikula.

Kung si Xian ay may Kim Chiu, non-showbiz naman ang boyfriend ngayon ni Louise matapos siyang ma-link noon kina Enzo Pineda at Aljur Abrenica.

Dumalo kaya sa premiere night ng “Hanggang Kailan” ang respective love nina Xian at Louise na sina Kim at isang nagngangalang Jino para suportahan sila sa kanilang pelikula?