Xian at Louise, apat na oras pinag-usapan ang intimate scene

January 22, 2019
Xian Lim and Louise Delos Reyes

Ayon kay Louise delos Reyes, biglaan lang napunta sa kanya ang project na Hanggang Kailan? at hindi na sila nagkaroon ng chance ng leading man ni si Xian Lim na magkakilala muna prior to the shooting since ito ang first time na makakatrabaho niya ang aktor.

Una silang nagkausap  sa flight papuntang Japan kung saan nila kinunan ang ilang mahahalagang eksena sa pelikula.

Pero kaagad naman daw ay marami silang napag-usapan.

While shooting, nakita raw niya ang pagka-gentleman ni Xian.

“Inalalayan niya ako sa mga eksena sa Japan and also, sobrang collaborative rin niya as an artist, as an actor dito sa pelikula.

“Kasi, hindi lang siya ’yung parang ‘o, sige, Direk, okay po.’ Meron siyang mga input. So, he’s very refreshing and very nice to work with,” sabi ni Louise.

Ayon naman kay Xian, at first, nakakahiyang lapitan si Louise.

“Nakakahiya talaga, eh. Parang ‘paano ba?’ Hindi kasi siya masyadong nagsasalita nu’ng umpisa.

“Pero as I got to know her and as everyone got to know her, sobrang kalog pala ni Louise, sobrang open lang sa lahat and nagbibigay din siya katulad nu’ng binigyan kami ng freedom ni Direk Bona (Fajardo) to explore sa character namin,” sabi ni Xian.

First time ni Louise na makapunta ng Japan kaya sobrang memorable raw sa kanya ang pelikula.

Napakarami raw niyang natutunan at marami rin daw siyang naging realization sa sarili.

May intimate scene sina Xian at Louise sa pelikula at ayon sa aktor ay talagang pinag-usapan nila ito bago gawin ang scene.

“Pinag-usapan namin, akala ko 10 minutes lang, pinag-usapan namin, mga tatlo o apat na oras. Nakaupo lang kami. Break muna (ang shooting) for four hours para mapag-usapan nang maayos so we’d come to feel comfortable with each other,” kwento ni Xian.

Hanggang Kailan? is showing on Feb. 6.

Bukod sa pagiging aktor, co-producer din si Xian ng pelikula (under his very own XL8 Productions) with Viva Films and BluArt Productions.