Xian at Viva sunud-sunod ang projects

January 25, 2020
Xian Lim

HINDI pa man naipapalabas sa sinehan ang first team-up nina Xian Lim at Crsitine Reyes, ang “Untrue” na dinirek ni Sigrid Andrea Bernardo (of “Kita Kita” fame), may bagong movie na namang sisimulan ang nobyo ni Kim Chiu sa bakuran ng Viva Films, ang period romance film na nakatakdang idirek ng ex-PBB housemate na si Fifth Solomon.  Ang nasabing pelikula ay pagtatambalan nina Xian at Ryza Cenon.

Over at Viva, sunud-sunod ang mga project na tapos na at sisimulan pa lamang.  Balak din ng Viva ng magsumite ng dalawang movies sa first Metro Manila Summer Film Festival at kasama na rito ang “A Hard Day” na local adaptation ng 2014 award-winning Korean movie of same title na tatampukan nina Dingdong dantes at John Arcilla.

Samantala, palabas ngayon sa mga sinehan ang horror movie na “Night Shift” na pinagbibidahan ni Yam Concepcion at kung saan din tampok sina Michael de Mesa, Epy Quizon, Soliman Cruz at Ruby Ruiz mula sa panulat at direksiyon ni Yam Laranas.

Nakatakda namang ipalabas on February 19 ang “Untrue” nina Cristine Reyes at Xian Lim.

Ginagawa naman ngayon nina Bela Padilla at Marco Gumabao ang pelikulang “Spellbound” na local adaptation din ng isang Korean movie.  Ito’y pinamamahalaan ni Thop Nazareno.

Sa rami ng pelikulang naka-can na at ginagawa pa lamang, halos kumpleto na ang line-ine ng Viva sa buong taon hanggang sa 2020 Metro Manila Film Festival. Meron din silang isusumite  para sa ikaapat ng Pista ng Pelikulang Pilipino.