Home>Entertainment>Showbiz>XOXO nagdiriwang ng first anniversary

XOXO nagdiriwang ng first anniversary

 XOXO girl
XOXO girl

NAGDIRIWANG ng unang anibersaryo ang all-girl singing group na XOXO ngayong August kaya naman may special treat sila sa kanilang mga tagahanga. Nagkaroon sila kamakailan ng online concert na talaga namang dinaluhan ng fans, “Nag-stream kami sa isang app para makapag-celebrate kaming apat and, siyempre, maki-celebrate rin ‘yung mga fans namin.”

Sa kani-kanilang social media accounts, taos-pusong nagpasalamat ang apat sa mga patuloy na sumusuporta sa kanila. Sey nila, marami pa raw dapat abangan sa XOXO kaya huwag kakalimutang mag-subscribe sa kanilang official YouTube channel.

At nung araw lang, nagkaroon ng biritan session sa GMA morning show na Unang Hirit dahil sa pagbisita ng XOXO na binubuo nina Riel Lomadilla, Dani Ozaraga, Lyra Micolob, at Mel Caluag.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal