Home>Entertainment>Showbiz>Yasmien at Benjamin may pasilip sa lock-in taping

Yasmien at Benjamin may pasilip sa lock-in taping

Yasmien Kurdi and Benjamin Alves
Yasmien Kurdi and Benjamin Alves

PROUD na ipinasilip ni Yasmien Kurdi ang ilang behind-the-scene photos mula sa kanilang lock-in taping para sa bagong program ng Kapuso Network na I Can See You: The Promise.

Sa kanyang Instagram post na makikitang may suot siyang face shield, nagpasalamat si Yasmien sa maingat na pagtatapos ng kanilang lock-in taping, “Done. THANK YOU, LORD! ayyiiieee uwian na, natapos din namin! pagkatapos ng ilang araw na #lockintaping for #ICanSeeYou #ThePromise. Congratulations Team “The Promise” Excited na ako mapanood n’yo ang gawa namin! #newnormal.”

Bukod kay Yasmien ay nag-post din ng photo ang co-star niyang si Benjamin Alves kung saan matatanaw ang magandang lake house kung saan sila nag-taping. Sa isa pang post ay ibinahagi rin ni Benjamin ang pangalan ng gagampanang katakter, “Jude Agoncillo… soon on #ICanSeeYou on GMA!”

Makakasama rin nila Yasmien at Benjamin sa ‘The Promise’ sina Paolo Contis at Andrea Torres.