Home>Entertainment>Showbiz>Yasmien may #TagalogChallenge sa anak

Yasmien may #TagalogChallenge sa anak

Yasmien Kurdi
Yasmien Kurdi

BINIGYAN ni Yasmien Kurdi ng Tagalog/Filipino challenge ang kanyang anak na si Ayesha.

Sa nakatutuwang vlog na ito ng aktres ay kasama pa ang asawa na si Rey Soldevilla.

Kwento ni Yasmien sa kanyang post, “Dahil Buwan ng Wika ngayong Agosto, ito yung #TagalogChallenge namin para kay #AyeshaZara noong quarantine. #FilipinoChallenge #TagalogChallenge #WikangFilipino #BuwanNgWika.”

Nagulat naman si Ayesha sa challenge na binigay ng kanyang mga magulang. Aniya, “I’m not that sanay with Tagalog.”

Pati si Rey ay mukhang nahirapan sa challenge para kay Ayesha. “Mahirap itong Tagalog challenge na ito,” say pa niya.

Iba na talaga ang mga Pilipino ngayon. Nagiging challenge na ang pagsasalita ng sariling wika.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal