The year that was

December 26, 2018
Catriona Gray
Catriona Gray

ILANG araw na lamang at papasok na ang bagong taon 2019.  Pero atin munang balikan ang mahahalagang kaganapan sa taong magtatapos.  Sa kabila ng maraming problemang kinakaharap ng bawat Pilipino, pansamantalang natakpan ito sa pagkakapanalo ni Catriona Gray sa recently-concluded 2018 Miss Universe na ginanap sa Impact Arena ng Bangkok, Thailand nung nakaraang December 17 besting 93 other beauty candidates from around the world. Hanggang ngayon ay euphoric pa rin ang pakiramdam ng mga Pinoy sa panalo ng ika-apat na Filipina Miss Universe.

Marami mang malulungkot na mga pangyayari  sa Pilipinas at maging sa showbiz, marami ring masasayang events ang  nangyari sa taong ito at kasama na rito ang mga celebrity weddings at pagsilang ng mga celebrity babies.

Ang taong 2018 ay sinimulan ng wedding ng mag-asawang Maxene Magalona at musician na si Rob Mananquil in January 10, 2018 na ginanap sa Shangri-La Resort in Boracay. Si Maxene ay panganay na anak ng namapayang King of Rap na si Francis Magalona sa misis nitong si Pia Arroyo-Magalona.  Ang kasal nina Maxene at Rob ay sinundan ng kasal ng Kapuso actor na si Mike Tan sa kanyang non-showbiz wife (na hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang i-share sa publiko maging ang kanilang bagong silang na baby girl) nung January 22 na ginanap sa Villa Milagros Ancestral  House in Rodriguez, Rizal.  Nung April 19, ikinasal ang West End and Broadway singer-actress na si Rachelle Ann Go sa kanyang American husband na si Martin Spies na kanyang nakilala in New York , USA while she was doing the Broadway re-run ng “Miss Saigon” and months later ay nagpakasal na ang dalawa in same resort hotel in Boracay kung saan din ginanap ang kasal nina Maxene at Rob last January 10.  Nung May 6, ikinasal ang The Voice Philippines contestant na si Kai Honasan sa Chicosci bassist na si Eco del Rio na ginanap sa Sofitel Hotel in Pasay City.  Isa namang intimate wedding  ang ginanap sa Hong Kong para sa  Kapuso actress na si Rich Asuncion na ikinasal sa kanyang rugby player husband na si Benjamin Mudie nung May 27.

Marami ang nagtaka sa biglang pagkawala sa “TV Patrol” bilang star patroller ng dating beauty queen-turned showbiz field reporter  na si Ginger Conejero dahil ilan lamang ang nakakaalam na ito’y nagpakasal na sa kanyang American boyfriend na si Bruno Saab. Ang couple ay nagkaroon ng intimate wedding ceremony nung August 6 sa Most Holy Rosary Chapel in San Francisco, California, USA kung saan isinilang at lumaki ang dating beauty queen at showbiz reporter ng”TV Patrol”.  The couple are now based in the US.

Matapos ang kanyang divorce sa una niyang mister in Canada, muling nag-asawa ang Kapamilya actress na si Nikki Valdez sa kanyang non-showbiz husband na si Luis Garcia nung August 18.  Isa ring intimate wedding ang ginanap sa Hong Kong at karamihan ng kanilang invited guests ay hindi nakarating dahil sa aksidenteng nangyari sa NAIA kung saan sumadsad ang isang Xiamen Airlines flight na naging sanhi ng pagkakakansela ng about 200 flights thereby affecting thousands of passengers sa iba’t ibang destination at kasama na rito ang flight patungong Hong Kong ng ibang bisita sa wedding nina Nikki at Luis.

It was in November 17 nang ikasal ang singer-actor at hitmaker na si Christian Bautista sa kanyang non-showbiz wife na si Kat Ramnani na ginanap sa isang island in Bali, Indonesia.  Since it was an intimate wedding na hindi napuntahan ng karamihan sa kanilang mga kaibigan, nag-desisyon ang mag-asawa  na magkaroon ng follow-up wedding reception sa Manila Hotel nung December 2.

Nitong buwan ng December ay tatlong celebrity weddings ang naganap.  Nauna rito ang intimate wedding ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla last December 11 na ginanap sa Villa Milagros Mansion and Gardens na siya ring lugar kung saan ikinasal ang Kapuso actor na si Mike Tan at ang kanyang  non-showbiz wife nung January 22.  Sumunod dito ang second wedding ng aktres na si Lotlot de Leon sa kanyang longtime Lebanese businessman partner na si Fadi El Soury na ginanap naman sa El Jardin de Zaida in San Juan, Batangas nung December 17, same day na kinoronahang ika-67th Miss Universe ang kinatawan ng Pilipinas na si Catriona Gray.  Two days after nung December 19 ay ikinasal naman ang Kapamilya actress na si Iza Calzado sa kanyang Fil-British fiancé na si Ben Wintle sa Club Paradise ng Coron, Palawan.

Kung ang celebrity weddings ay pawang kasayahan ang dala, ganundin naman ang pagsilang this year ng mga celebrity babies na kahit nung sila’y ipinagbubuntis pa lamang ng kanilang respective celebrity moms ay pinag-uusapan na.

Dalaga na ang panganay ng singer-comedienne na si Pokwang (Marietta Subong in real life) sa ibang partner nang muli siyang mabuntis at isinilang ang first baby nila ng kanyang American actor boyfriend na si Lee O’Brien na si Malia Francine O’Brien nung January 18.

Although matagal-tagal na rin ang relasyon nina Pokwang at Lee at meron na silang anak, hinihintay pa rin ng marami ang pagpapakasal ng dalawa.

Nung January 19 ay isinilang ang first apo ng Kapamilya actor na si Albert Martinez sa kanyang panganay na si Alyanna sa kanyang nasirang asawang si Liezel Sumilang-Martinez. Adalyn Riley Martinez Macam ang ipinangalan sa baby  ng mag-asawang Alyanna at ang photographer na si Roy Macam na sa California, USA na naka-base.

Si Albert ay may tatlong anak. Bukod kay Alyanna, nariyan pa sina Alfonso at Alissa na engaged na rin sa kanyang non-showbiz fiancé.

Nung February 8 ay nagsilang ng kambal ang nakababatang kapatid ni Maxene Magalona na si Saab Magalona-Bacarro sa husband nitong si Jim Bacarro.  Boy and girl ang isinilang ni Saab pero sa kasamaang palad ay ang boy lamang ang nabuhay na pinangalanang Pancho Gerardo Bacarro habang ang nawala nilang baby girl ay si Luna Isabel.  Ang twins ang unang apo ng namayapang Master of Rap na si Francis Magalona.  Ang Pancho ay hango sa ama ni Francis na si Pancho Magalona, ang namayapang lolo ni Saab.

Ang Malaysian actress na si Carmen So na nakagawa ng ilang serye sa bakuran ng Kapamilya network ay Filipino businessman ang napangasawa, si Benson Tan.  Nung February 11 ay isinilang ni Carmen ang first baby nila na si Bea Claire Tan.

March 21 naman isinilang ng fiancée ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.  Baby boy and second child ng engaged couple na may pangalan na Kai. Ang kanilang panganay na anak na si Zion ay five years old na.  Since malapit nang mag-one year-old si Baby Kai, malamang na sa 2019 ituloy ang nabalam na wedding nina Richard at Sarah.

Nung March 31 ay isinilang naman ni Isabelle Daza ang first born nila ng French-businessman husband niyang si Adrien Semblat na si Balthazar Gabriel.  Si Baltie (palayaw ng bata) ang kauna-unahang apo ng firt Filipina Miss Universe na si Gloria Diaz at nasira nitong estranged husband na si Bong Daza.

Isinilang naman ng lifestyle blogger na si Patty Laurel ang kanyang baby na si Astrid Nicola Laurel Filart nung April 3.  Sobra naman ang kasiyahan ng Kapamilya actor na si JC de Vera nang isilang ng kanyang non-showbiz partner na si Rikkah Alissa Cruz ang kanilang unang baby na si Lana Athene nung April 12.

May 28 isinilang ng singer-actress-TV host na si Jolina Magdangal ang second child nila ng husband niyang musician na si Mark Escueta na pinangalanan nilang Vika Anaya. On same day ay isinilang din ni Cristalle Belo-Pitt ang unang supling nila ng Australian husband niyang si Justin Pitt na si Hunter James.  Si Hunter ay unang apo ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo at estranged husband nitong si Atom Henares.

In June 25 ay isinilang ng young actress na si Jennica Garcia-Uytingco ang second baby nila ng husband niyang actor na si Alwyn Uytingco na si Alexis Severina Uytingco.  Nung June 27 naman ay ipinanganak ng Italian partner ng cager ex-husband ni Kris Aquino na si James Yap na si Michela Cazzola ang kanilang second child na si Franchesca Michelle Yap.

September 30 isinilang ng dating beauty queen (3rd runner up ng 2011 Miss Universe) turned entrepreneur na si Shamcey Supsup-Lee ang second baby nila ng kanyang mister na si Lloyd Lee na may pangalan na Peter Nathan Lee.  Tobias naman ang pangalan ng second son ng 2005 Miss International-turned actress na si Lara Precious Quigaman sa mister nitong actor na si Marco Alcaraz.  Si Tobias ay isinilang nung September 17.

Nito lamang December 14 ay isinilang naman ng actress na si Aubrey Miles ang second child nila ng Fil-Am actor na si Troy Montero na si Rocket Miller, isang baby girl.  Ang kanilang panganay na anak na si Hunter ay 8 years old na.

Have a blessed, joyous and peaceful New Year to all!