Ynez ayaw sa manliligaw na mas bata

August 16, 2019

HINDI ikinakaila ng award-winning sexy actress na si Ynez Veneracion na ang character actor na si Mon Confiado ang kanyang greatest love.  Ito rin ang pinakamatagal niyang naging kasintahan na umabot ng halos 17 years.

“In those years na magka-relasyon kami and eventually nagsama, never na nag-pop up ang salitang kasal sa kanya (Mon).  Hinintay ko talaga na mag-propose siya pero hindi `yun nangyari hanggang sa magkahiwalay kami,” pag-amin ni Ynez.

“Kahit kami na, hindi siya tumigil sa pagiging babaero kaya ako na ang humiwalay,” patuloy ni Ynez.

“But we parted as friends hanggang ngayon.  We still see each other at nag-uusap pa rin kami bilang magkaibigan.  May times pa nga na hinihiram niya si Keilah at ipinapasyal niya.”

Si Princess Keilah ay ang 8-year-old daughter ni Ynez sa isang prominent politician from the south.

Inamin sa amin ni Ynez na nagka-miscarriage umano siya nung nagsasama pa sila ni Mon.

When Mon decided to move to a condo unit in Eastwood, si Ynez ang bumili ng bahay na ipinatayo ng actor sa Antipolo.

“Sobra nga lamang napakalaki ng bahay sa aming mag-ina at may mga times na gusto ko na siyang ibenta at sa isang townhouse na lamang kami tumira”.

Sa isang corner ng bahay ni Ynez ay prominently naka-display ang marami niyang acting awards na ang pinaka-latest ay ang pagkakapanalo niya ng Best Supporting actress mula sa Subic International Film Festival for the movie “Jesusa” na siya ring nagpapanalo kay Sylvia Sanchez ng Best Actress award.  Meron din siyang award mula sa Awit Awards na may kinalaman naman sa kanyang pagiging singer-performer.

Naging masinop sa buhay si Ynez kaya siya nagkaroon ng malaking bahay sa isang exclusive subdivision in Antipolo.  Hndi naman nagpapabaya ang biological father ng kanyang anak in terms of financial support.  Grade 3 student na ito sa Assumption College in Antipolo at English speaking.

Bukod kay Mon at politician sa south, naging kasintahan din noon ni Ynez ang dating child wonder na si Nino Muhlach na tumagal umano ng anim na buwan.  Tulad ni Mon, kaibigan din ang turingan nila ni Nino hanggang ngayon.

At 39 last August 16, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Ynez na makakatagpo siya ng “Mr. Right” at magkakaroon pa rin siya ng sariling pamilya.

Ynez admits that she goes out on dates pero karamihan umano sa mga nagpaparamdam sa kanya ay di hamak na mas bata sa kanya.

“Regardless of age, hindi ko pa lamang siguro nararamdaman ang pagiging seryoso nila and intention na bumuo ng pamilya,” pakli ni Ynez na nangangarap pang magkaroon ng panibagong anak.

“Gusto kong magkaroon ng kapatid si Keilah para hindi siya nag-iisa at may playmate siya,” diin ni Ynez.

Thankful si Ynez  na hanggang ngayon ay hindi umano siya nawawalan ng trabaho bilang actress at singer.  Naisisingit din niya ang ilang charity works in between.