Yorme Isko patuloy na dumarami ang fans

October 28, 2019
Isko Moreno

PATULOY na dumarami ang umiidolo sa mayor ng Maynila na si  Francisco `Isko’ Moreno Domagoso dahil sa political will nito na ipatupad ang maraming mga pagbabago sa siyudad. Dahil dito, hindi lamang sa Pilipinas hina-hangaan si Yorme kundi maging sa ibang bansa.

Muli na namang nakuha ni Yorme ang pahanga ng kanyang mga kababayan nang ito’y kuning celebrity endorser ng dalawang produkto at ang kanyang talent fee na nagkakahalaga ng P5-M ay agad niyang ibinigay sa Philippine General Hospital para makatulong sa mga batang may kanser.

Naranasan nito ang buhay mahirap nung siya’y bata pa dahil namumulot lamang siya ng basura at mga tira-tirang pagkain sa mga fast food chains para may makain ang kanyang pamilya sa Tondo, Manila.   Pero natuto siyang magsikap at mag-aral  para maiba ang takbo ng kanilang buhay.

Ang pinagdaanan ni Isko ay mananatiling inspirasyon sa marami laluna sa mga kabataan ngayon.