‘Your Moment’ kinulang nga ba sa moment?

January 22, 2020

MUKHANG hindi lahat ng talent search ng ABS-CBN ay patok.

Isa na rito ang 'Your Moment,' na malapit nang mag-final moment. Ni hindi man lang mainit na pinag- usapan sa social media. At napansin din namin na manipis ang commercial load nito.

The show is open to artists from other countries. But, in general, it's just the usual talent contest we see on TV. Nothing new except for that revolving stage. Maging host, sila-sila rin. If not for Luis Manzano, its hosting department could have been a big flop. Co-host Vhong Navarro has never improved his hosting skills despite his decade-long stint on It's Showtime as one of its pioneer hosts. Maging ang kanyang mga jokes, lumang-luma na. In short, he's a boring host.

Kung sa judges naman, walang question sa credentials ng tatlong judges na sina Boy Abunda, Nadine Lustre at Billy Crawford. Pero sarcastic na tanong ng isang kaibigang writer, "wala na bang iba?!" Actually, sobrang safe ang kanilang comments. Madalas inuulit-ulit lang nila ang sinasabi ng isat-isa. Kaya hindi biting at gripping. Para ka tuloy na nanonood ng talent search for kids dahil sa filtered nilang evaluation sa performance ng bawat contestant.

Maging ang mga contestant wala ring nerve-wracking performance. Hanggang ngayon na napili na ang mga maglalaban sa "Your Moment of Power" stage ng kompetisyun, wala pa ring nagba-viral. Sa dismal performance nito, magkakaroon pa kaya ito ng Season 2? Just asking...

Disclaimer:

For comments/reactions, please call or text 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com