Ysabel ’di napigilan ng amang si Sen. Lito Lapid

September 30, 2019
Ysabel Ortega

GANAP nang  Kapuso ang showbiz royalty na si Ysabel Ortega matapos ni-yang pumirma ng management contract sa Kapuso Network noong Huwebes, Setyembre 26. Dati siyang napapanood sa ABS-CBN pero nagdesisyon na lumipat sa Kapuso matapos mabigyan ng magandang offer.

Masaya at thankful si Ysabel dahil ang primetime series na “The Gift” ang first project niya sa GMA kung saan gumaganap siya bilang Sabina, ang half-sister ni Sep (Alden Richards). Ibinahagi ni Ysabel na masaya ang lahat tuwing taping at magaan katrabaho ang kanyang mga co-star. Aniya, “Super exciting especially it's with Kuya Alden. I'm very grateful na ito ang first project ko. Sobrang light lang palagi yung taping, maganda po ‘yung chemistry ng lahat.”  

Anak ni Sen. Lito Lapid sa dating aktres na si Michelle Ortega, inamin ni Ysabel na noong una ay hindi alam ng kanyang ama na papasok siya sa showbiz. Kaagad namang binigyan ng suporta ni Senador Lapid nang malaman niya ang desisyon ng anak. Hindi talaga mapipigilan ang isang tulad ni Ysabel na pumasok sa showbiz. Bukod sa angking ganda, nagmula siya sa angkan ng mga artista from both sides.