Zcentido band bubuhayin ang SKA music sa ’Pinas

November 24, 2018
Zcentido
Zcentido

ISA sa mga mapapanood sa darating na PhilSka Music Festival 2018 sa December 1 (Mayflower Parking, Greenfield District, Mandaluyong, 2 p.m.) ay ang Pinoy SKA band na Zcentido.

Ang Scentido ay binubuo nina Richard Cruz (band leader/drummer), MJ Cruz (lead singer), Gary Ragay (bassist), Christoph Alday (guitarist), Joseph Jamorol (keyboardist), Patrick Blanco (trumpet) at Jericho Garcia (thrombone).

Masayang-masaya ang grupo sa kanilang first album na Unang Hakbang na ginanap ang launching sa Historia Bar recently lang.

May limang original songs sa album, isang cover song -- Mamang Sorbetero – at ang carrier single na Ikaw, Ako, Tayo.

Nakapag-perform na rin ang banda sa iba't ibang entablado. Pero ang kaabang-abang ay ang pagtuntong nila sa stage ng PhilSka Music Festival. Makakasama pa nila ang dalawang international SKA bands na Beat Bahnhof at Red Stripes.

Idolo ng Zcentido ang Put3ska na may hit song na Manila Girl. Naniniwala sila na dapat mas makilala pa ang SKA sa bansa.

Ang SKA ay isang music genre na nagsimula sa bansang Jamaica noong 1950. Halos katunog ito ng rock at reggae. Noong 1960, mas na-develop pa ito sa nasabing bansa dahil may mga na-record na kanta sa tunog na SKA.

Sa Pilipinas naman, naging familiarang Pinoy audienc sa SKA music dahil sa bandang Put3ska.

Samantala, malaki ang papel ni Mr. Noel Salonga sa muling pagbuhay ng SKA music sa bansa. Nais niyang makabuo hindi lamang ng mga SKA musicians pati na rin ng isang matibay na samahan na nakaka-appreciate ng SKA music.

Naisip niyang magkaroon ng isang malaking pagtitipon ang lahat ng SKA music lovers and musicians sa pamamagitan ng isang music fest.

Ang gaganaping Philska Music Festival 2018 sa December 1 ay pakikisabay na rin sa Philippine Ska Community's 1st year anniversary sa November 17.

Sa tulong ng music fest na ito, mapapatunayan pang mainstream din ang SKA music.